Andrea Point of View DAHIL tapos na ang bakasyon ay balik trabaho na naman ako. Maaga akong gumayak dahil maaga raw akong susunduin ni Rooke ngayon. Napagpasyahan din naming dalawa na ipaalam kina auntie ang tungkol sa aming dalawa. Ipapakilala ko na ng pormal si Rooke sa kanila bilang boyfriend ko. Yiee! Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang gwapong lalaki na iyon. Sino ba naman kasi ang magkakamaling magkagusto sa isang katulad ko? Eh wala naman ako sa kalingkingan ng mga babae dito sa Manila pero ako pa rin ang nakita niya. Kyaahhh! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Noong mga oras na nakasakay kami sa eroplano nakita ko talaga kung gaano siya kasweet na wala na siyang pakialam kung may nakatingin man sa kaniya. Natapos ang biyahe namin na iyon na saya lang nara

