Andrea Point of View ILANG araw ang lumipas at maayos naman ang naging takbo ng relasyon namin ni Rooke. Kasabay niyon ang pag-aayos ng relasyon ni maam Alyana at sir Kean. Mag-asawa pala ang dalawang iyon. Kaya pala iba ang tingin na ipinupukol ni sir Kean kay maam Alyana noong pumupunta siya rito sa shop. Iyon pala dahil nga asawa niya si Alyana. At sobrang bagay nilang dalawa. Nalaman ko rin na magkapatid si Rooke at si sir Kean ng ipakilala niya ako sa pamilya niya. Nakakahiya nga eh. Pero tinanggap nila ako ng maluwag sa pamilya nila at sobrang saya ko ng mga oras na iyon. Oo, mayaman sila ngunit hindi sila mapagmata. Kaya ipinagpapasalamat ko talaga na nakilala ko si Rooke. "Andeng, kamusta ang naging bakasyon mo?" Tanong sa akin ni Mace ng pabalik na kami sa staff room. "Maa

