Andrea Point of View Hindi ako nakatulog kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Muntikan na. Muntikan na talaga. Mabuti nalang at tumigil si Rooke. Baka kung hindi may mangyayari talaga sa mga oras na iyon. Mabuti nalang at day-off ko ngayon. Nakakahiya talaga iyong nangyari kagabi. Bakit nga ba nangyari iyon? Waahhh!! Ayoko ng isipin iyong nangyari kagabi. Maloloka na ata ako. Huhuhu. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. Alas otso na pala ng umaga kaya tumayo na ako mula sa aking kama para maligo at mag-agahan. Nakakahiya naman kung magpapatawag pa ako kay auntie. Pumasok ako sa loob ng banyo dala-dala ang aking tuwalya. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil kakagising ko pa lang. Napatigil ako sa harap ng salamin at nanlalaki ang mga mata na n

