Andrea Point of View MUGTO ANG mga mata. Magulo ang buhok. Malungkot ang mukha. Iyan ang nakikita kong itsura sa harap ng salamin. Magdamag ba naman akong umiyak ng umiyak. Ewan ko ba. Kahit anong pilit kong huwag na umiyak kusang tumutulo ang luha ko. Matapos ng nakita namin ni Mace sa mall kagabi ay napag-isipan na naming umuwi. Pagkarating ko sa bahay. Sa loob mismo ng kwarto ko ay doon na ako napahagulgol ng iyak. Ang sakit-sakit. Hindi ko inaakala na ganito pala kasakit. Buong akala ko iba si Rooke sa ibang mga lalaki. Mukhang pareho lang sila. Mga manloloko. Mabuti nalang at hindi ako nagpadala kaagad. Mas masakit pa siguro iyon. Mabuti na iyong maaga pa lang nalaman ko na. Hindi pa ako nagmukhang tanga. Pero kahit anong gawin kong pang-aalo sa sarili ko ay hindi ko pa rin

