Andrea Point of View NAISIPAN NAMIN nila mama na maligo sa dagat malapit sa amin. Dito sa Mindanao napakaganda ng mga dagat. Kaya hindi ka talaga mag-aalangan na maligo kasi malinis. Ang daming baon na dala namin. Si mama kasi hindi nagpapigil kaya hinayaan nalang din namin sa gusto niya. Kesa kontrahin mo siya at magtampo. Mahirap pa namang suyuin si mama kaya hinayaan nalang namin sa kung ano ang gusto niya. Total hindi naman ito permanente. Ngayon lang din naman ito. Sa susunod na linggo babalik na naman akong Maynila. Matatagalan na naman siguro kaming magkakabonding ng ganito. Dapat talaga mas magsumikap pa ako para makabili na ako ng sarili kong bahay at maisama ko na sila mama sa Maynila. Iyon ang goal ko talaga muna sa ngayon. Hindi ko muna i-e-entertain ang mga ibang bagay. M

