Andrea Point of View HAPON NA NG magising ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro gawa ng pag-iyak kaya ako nakatulog. Lumabas ako ng aking kwarto para uminom ng tubig ng mapatigil ako ng makita kung sino ang nakaupo sa sofa namin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kau Rooke na prente lang nakaupo sa sofa namin. "I'm here for you Andrea." Napaismid naman ako sa sinagot niya. Ako ba talaga ay pinagloloko niya? Kahit anong gawin niya alam ko na ang likaw ng bituka niya. Hinding-hindi na niya ako maloloko pa. Sarkastiko ko siyang nginitian at nilamlasan lang at nagpuntang kusina. Ang kapal talaga ng mukha niya. At ang manhid niya pa. "Why are you behaving like this Andrea?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Mabuti nalang at tapos na akong uminom

