Andrea Point of View Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng babaeng iyon kanina. Baliw na ata iyon. Kung ano-ano nalang ang sinasabi. Anong akala niya sakin. Na madali lang akong mapaniwala? Bakit ba ang daming tao ang nagsasabi sakin na hiwalayan ko raw si Rooke? Nakakainis na talaga ha! Tiningnan ko ang envelope na ibinigay sa akin ng babaeng iyon kanina. Hindi ko pa iyon binubuksan. Mamaya nga itatapon ko iyon. Isa lang iyong basura. Malaman ko lang talaga kung sino ang nasa likod ng mga ito. Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko. Talagang pinapainit nila ang ulo ko. Nakabusangot akong bumalik sa trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao ngayon. Nakakaasar lang. Flashback Earlier Conversation "I need to tell you something about Rooke and your Aunt." Napakunot ang noo k

