Chapter 32 - Her Choice

1431 Words

Third Person Point of View Nang marating na nila Andrea ang bahay ng auntie niya ay inaya niya muna si Rooke na pumasok. Ngunit tumanggi ito dahil may importante pa daw itong lalakarin. Hindi na rin nagpumilit si Andrea at hinayaan nalang ang boyfriend na umalis. Papasok na siya sa loob ng bahay ng may marinig siyang nag-uusap sa may garden. "Bakit ginawa mo iyon Donna? Diba sabi ko hayaan natin sila?" Kumunot ang noo ni Andrea ng marinig ang galit na boses ng tiyahin. "Hindi ako makakapayag na maging isa si Andrea sa mga nabiktima ng lalaking iyon tita!" Galit rin na untag ng kaibigan niya. Nag-aaway ba sila auntie at Donna? Tanong ni Andrea sa sarili. Nakinig pa siya sa pagtatalo ng dalawa. "Inuulit ko Donna. Hayaan mo silang dalawa." May pagbabanta sa boses ng kaniyang auntie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD