bc

You Are My Song

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
second chance
independent
dare to love and hate
drama
sweet
brilliant
campus
office/work place
small town
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

How do you keep the music playing?

Will you let it stop kung ito ang tanging nag uugnay sa iyo at sa taong minamahal mo?

Pipiliin mo bang sabayan ang awitin na maaring maghatid sa iyo sa walang kasiguraduhang bukas?

Alexy Kaye dares to dance with the dangerous music played by Blythe, the man who loves to flirt and play with women's hearts.

Kahit na mapanganib ay pinili niyang maniwala na maaring mabago ang pananaw ni Blythe sa pakikitungo sa mga babae kahit na nga kapalit nito ang kanyang matayog na pangarap bilang isang sikat na singer na tanging makakapag ahon sa kanila sa kahirapan ngunit bigo siya sapagkat kagaya ng ibang babae ay itinaboy din siya ni Blythe palayo.

Masakit man ay kinailangang lumayo ni Alexy upang buuin ang sarili at muling magsimula ngunit bakit kung kailan unti unti na niyang nararamdaman ang kapayapaan ay saka naman bumalik si Blythe at nangangako ng tapat na pagmamahal.

Puso laban sa isip alin kaya ang magwawagi? Ang pusong patuloy na nagmamahal o ang isip na handang magprotekta sa sakit ng pagkawasak na maaring muling maranasan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 “Lexy samahan mo naman ako mamayang uwian binigyan na ako ni mama ng pambili ng damit para sa graduation ball natin,” excited na yaya ni Aizen sa kaibigan. “Oo sige mamaya na lang pagkayari ng klase natin isasama ba natin si Roma at Berna?” tanong ni Lexy. “Pwede rin naman kung wala silang lakad, ikaw hindi ka ba hahanap ng isusuot mo?” tanong ni Aizen. “Hindi eh saka baka hindi ako makakasali sa graduation ball natin,” tugon ni Alexy. “Ha! Bakit naman?” nag aalalang tanong ni Aizen. Hindi kumibo si Alexy na itinuon sa iba ang paningin at kapag ganoon ang reaksyon niya ay alam na ng kaibigan ang dahilan. “Alam ko na kung bakit wala ka pang pambayad sa graduation ball tama ba?” pananalakab ni Aizen. “Okay lang naman Aizen kahit hindi ako makasali sa graduation ball may graduation pa naman sa college baka doon makasali na ko hindi ko kasi mapilit sila nanay na mahingan ng pambayad alam mo naman na sakto lang yung kinikita ni tatay sa mga gastusin naming nag extra nga lang si nanay sa paglalabada para makabayad ako sa graduation fee natin,” tugon ni Alexy. “Ay hindi naman kami makakapayag na hindi ka makasama abay once in a bluemoon lang na magkaroon ng graduation ball at minsan lang tayo magtatapos ng high school hindi ka pa sasama sukdulang mag contribution kami nila Roma makasama ka lang,” sagot ni Aizen. “Naku hindi na ano ka ba Aizen mas lalo akong nanliliit ng ganyan na pati kayo namumurublema para sa akin,” tanggi ni Alexy. “Ay parang others? nagdadrama ba? abay wala naming search para sa best actress bakit parang bet mong mag audition sa palagay mo ba papayag sina Roma at Berna na hindi makasama?” tanong ni Aizen kay Alexy. “Ano iyon?” mataray na tanong ni Roma na hindi nila namalayan na nasa likuran na pala nila kasama si Berna. “Naku ayusin ninyo itong kaibigan natin abay hindi daw sasali sa  graduation ball at walang pambayad papayag ba tayo na hindi umeksena beauty niya?” sumbong ni Aizen. “Aba Miss Alexy Kaye D. Rios baka nakakalimutan  mo kung sino ang grupong kinabibilangan mo sa paaralan sa palagay mo ba makukumpleto ang gabing iyon ng wala ang kumpletong cast ng The Big Four?” komento ni Roma. Hindi kumibo si Alexy na nagkunwaring abala sa pagsusulat sa kanyang notebook at hindi sinagot ang paglilitanya ng kaibigan. Nagkatinginan naman ang tatlo at nagkaunawaan na sa mga senyasan. “Pwede ba Binibini ng Kumintang huwag mong sinisira ang pinakamagandang plano at kung iniisip mo ang pambayad sa graduation ball ay wala ka ng aalalahanin leave it to us kami na ang bahala,” sagot ni Berna. “Ayoko lagi na lang akong buraot sa inyo okay lang naman at may graduation pa naman sa college mararanasan ko rin yon pagdating ng panahon,” tanggi ni Alexy na sumagot pa ng pakanta. “Hoy Aiza Seguerra paano kung walang ganoon sa school na papasukan mo sige nga buong buhay mong pagsisisihan na hindi mo naranasan ano ang mayroon sa graduation ball at paano mo sasagutin ang future daughter at son mo kung ano ang mayroon sa graduation ball kung hindi mo personal na naranasan aber?” eksaheradang tanong ni Aizen na nakapameywang pa at nakataas ang kilay. “Wow naman sister ang layo ng narating natin umabot ka na talaga sa  me anak na akong magtatanong ano ang meron sa graduation ball,” naiiling na sagot ni Alexy. “Ang ibig lang naming ipaunawa sa iyo ay hindi kami papayag na hindi ka naming kasama dahil ang tanging pagpipilian mo ay sasama ka ba o sasama?” tanong ni Roma na may pananakot pa sa tono ng boses. “Sasama o sasama? Siyempre sasama!” sagot ni Alexy na sinabayan pa ng sayaw. Maya maya ay tumahimik naman ito at naupo ng nakapangalumbaba at isa isang tiningnan ang mga kaibigan. “Ano na naman ang ibig sabihin ng tingin na yan?” tanong muli ni Aizen. “Eh kasi ano eh…. huwag na nga nahihiya na ko palagay ko naman ay magagawan ko na ng paraan naiisip ko,” sagot ni Alexy. “Alam ko kung ano tumatakbo diyan sa kukote mo pinoproblema mo ang isusuot tama ba?” tanong ni Roma. Hindi nakakibo si Alexy dahil iyon nga ang nasa isip niya wala kasi siyang espesyal na damit para sa ganoong okasyon. “Huwag mo ng problemahin iyon may mga damit na pinadala sa akin si Tita Maricar at kung gusto ninyong tatlo tutal ay magkakasize ang katawan natin ay pwede kayong pumili ng magugustuhan ninyong isuot,” alok ni Roma. “Ay type ko yan go kami kelan ba pwedeng mamili,” tanong ni Aizen. “Mamayang uwian kung gusto ninyo ay pwede kayong sumaglit sa bahay para makita ang pwede ninyong pagpilian,” alok ni Roma. “Naku mabuti pa Lexy ay join muna tayo kila Roma baka me magustuhan na tayo ay solve na ang malaki nating problema,” pangungulit ni Aizen. “Sige pero dumaan tayo saglit sa bahay magpapaalam lang ako kay nanay,” tugon ni Lexy. “Okay deal ako naman ay magtetext na lang kay mama na kila Roma tayo sunduin at idadaan ka na lang naming sa bahay ninyo pag pauwi na tayo,” sagot ni Aizen. Pasado alas kwarto y medya ay apura na sa pag aaya si Roma sa mga kaibigan para makapunta sa kanilang bahay ngunit saglit na nagpaalam si Alexy na sasaglit sa kanilang bahay para makapag paalam. “Sige iintayin ka naming doon sa tindahan ng kwek kwen ni Mang Kanor sa gilid ng school bilisan mo lang ha para hindi tayo gabihin,” bilin ni Roma. “Oo sige sasamahan naman ako ni Aizen kaya saglit lang kami baka kasi mag alala si nanay kapag hindi ako nakauwi sa oras,” sagot ni Lexy. Pagdating sa bahay ay agad na hinanap ni Alexy ang ina at natagpuan niya ito sa likod ng kanilang bahay na abala sa pagyayari ng labadang tinanggap. “Nay hapon na po yan ah bakit ayaw nyo pang magpahinga ako na po mag tutuloy niyan,” puna ni Alexy sa ginagawa ng ina. “Naku hindi na payari naman na ito,” tanggi ng ina. “Magandang hapon po Nanay Amelia,” pagbibigay galang ni Aizen. “Magandang hapon naman,” sagot ni Nanay Amelia na napatingin kay Alexy na tila nagtatanong bakit kasama nito si Aizen. “Nay magpapaalam sana kami saglit ni Aizen pupunta lang kami sa bahay ni Roma sandali at titingnan naming yung damit na ipapahiram niya sa amin para sa graduation ball eh baka kako mag alala kayo kapag ginabi ako ng uwi kaya magpapaalam muna kako ako sa inyo saglit kaya sinamahan na ko ni Aizen alam ninyo na takot na hindi ko balikan iyang mga yan,” paalam ni Alexy sa ina. Nag aalinlangan  si Aling Amelia kung papayagan ang anak sapagkat malinaw niyang nasabi ditto na wala silang extrang pera para makasali siya sa graduation ball. “Nay huwag po kayong mag alala natatandaan ko  po yung napag usapan natin,” natatawang sagot ni Alexy ng makita ang reaksyon ng ina. Napasulyap si Nanay Amelia kay Aizen na nasa di kalayuan at kasalukuyang  nakikipagkwentuhan sa dalawang nakababatang kapatid ni Alexy. “Nay mamaya ko na papaliwanag sa inyo kung paano ako nakasali sa graduation ball aalis na muna kami ni Aizen para makabalik din ako kaagad,” paalam ni Alexy na hindi na hinintay ang sagot ng ina at mabilis na nitong hinalikan sa pisngi ang ina sabay kaway at mabilis ng tumalilis paalis kasama si Aizen. Wala ng nagawa si Aling Amelia na iiling iling na lang sa aktuwasyonng anak. “Okay din ang strategy mo ha halik sabay takbo minsan nga gayahin ko yan mukhang bebenta din kay mommy,” biro ni Aizen habang naglalakad na sila pabalik sa eskwelahan kung saan naghihintay sina Roma at Berna. “Aba mag isip ka ng strategy mo ah bawal copy paste,” natatawang sagot ni Alexys a kaibigan.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook