Chapter 3

1744 Words
Chapter 3 Masayang masaya si Alexy na makakasama siya sa graduation ball tinanggap na kasi niya sa kanyang kalooban na hindi siya mabibigyan ng kanyang mga magulang ng extra pang pera na pambayad doon bukod sa graduation fee mabuti na lamang at may mga kaibigan siya na nauunawan ang kanyang sitwasyon kung hindi ay baka sa kolehiyo pa nga niya tuluyang ma-experience ang graduation ball. Pagdating sa bahay ay inabutan niyang magkausap sa salas ang kanyang nanay at tatay agad siyang nagmano sa mga ito at excited na ipinakita sa ina ang damit na nagustuhan niyang hiramin kay Roma para isuot sa graduation ball. “Nay tingnan ninyo po itong damit na ipinahiram sa akin ni Roma ako ang pumili nito maganda po ba?” masayang tanong ni Alexy habang ipinakikita ang damit na inilagay pa sa harap ng katawan nito. “Maganda ah pero mas makikita ko ang ganda niyan kapag isinukat mo,” suhestiyon ni Nanay Amelia. “Yun lang ba nay wait and see isusuot ko po saglit ng mabistahan ninyo,” sagot ni Lexy sabay punta sa silid para isukat ang damit. Paglabas ay suot na nito ang bistidang pula at naglakad sa harap ng mga magulang na animo modelong nagpafashion show eksaherada pang iwinawasiwas ang mahabang buhok. Iiling iling ang natatawang mga magulang sa kanyang pinaggagawa habang aliw na aliw naman ang dalawang nakababatang kapatid na si Jem at Kim sa panonood sa kanyang pinaggagagawa. “Anak dalagang dalaga ka na at bagay na bagay sayo ang pagkapula ng damit na yan mas lalong tumingkad ang kaputian mo,” komento ni Nanay Amelia. “Kanino pa ba ako magmamana ng kagandahan kung hindi sa nanay kong beauty queen,” sagot ni Lexy na may halo pang pambobola sa ina. “Naku Alexy Kaye binola mo pa ako sige na magpalit ka ng damit pambahay at kumain ka na tiniran ka naming ng pagkain nasa mesa,” sagot ni Nanay Amelia sa pambobola ni Alexy. “Sige po nay magbibihis lang po ako saglit,” paalam ni Alexy. Pag alis ni Alexy ay balik sa panonood ng balita ang kanyang ama at mga kapatid na kaya naroroon sa harap ng telebisyon ay inaabangan ang paborito nilang teleserye na umeere pagkayari ng balita. Pagkabihis ay nagtungo na si Alexy sa kusina para kumain excited niyang binuklat ang pagkain na natatakpan sa mesa inisip niya na baka masarap ang ulam nila ngayong gabi katulad ng ulam nila Roma na nangangamoy kanina bago sila umalis sa bahay nito. Sabik na binuklat ni Alexy ang takip ng pagkain at sa kanyang pagkadismaya ay walang kamatayang pritong itlog ang naroroon. “Mother chicken ulit ulam natin?” pabiro niyang tanong. Nangiti ang dalawang kapatid niya at siyang sumagot. “Baby pa sila ate kaya itlog pa lang sa tiyan mo na sila pisain,” natatawang sagot ni Jem. Tawanan ang mag iina sa kakamot kamot na si Lexy na bumalik na sa kusina at magana pa ring kinain ang kanyang pagkain. “Nay ang sarap po ng niluto nyo grabe hindi matanggal tanggal ang sarap!” biro ni Lexy na umarte pa na akala mo napakasarap ng kinakain. Bentang benta naman sa mga kapatid ang kalokohan ni Lexy kaya’t tuwang tuwa ang mga ito sa kanya reaksiyon na papikit pikit pa ng mata. “Kumain ka na nga ng maayos Alexy puro ka kalokohan huwag ka ng magulo diyan at magsisimula na ang sinusubaybayan ko,” saway ni Nanay Amelia. Pagtingin ni Lexy sa dalawang kapatid ay nakita niyang dinilaan siya ng mga ito na tila iniinis ginantihan din niya ito at nag make face sa mga kapatid na natawa lang sa kanya. Pagkakain ay naghugas na siya ng pinggan at nag imis ng kalat sa kusina pagkatapos ay bumalik sa salas at tumabi sa kanyang mga kapatid at nakinood ng teleserye maya maya ay natanaw niyang dalang dala ang kanyang ina at tila naiiyak sa eksenang pinapanood. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh dapat hindi na tayo nanonood eh tingnan ninyo si nanay masyadong apektado naiiyak na,” pambibisto ni Alexy na nagpalingon kina Tatay Arturo dito. Nahiya naman si Nanay Amelia na biglang siya ang center of attraction ng pamilya kaya’t ganun na lang ang iwas niya. “Ikaw talaga Lexy puro ka kalokohan pati ako ay binibiktima mo,” sermon ni Nanay Amelia. “Nay tingnan mo oh nasa gilid pa din yung luha mo malapit ng malaglag siguro akala mo ikaw yung bidang inaapi hano? Sige lang nay huwag mo ng pigilan at sasabayan ko ng background music para mas feel na feel,” sagot ni Alexy sabay awit. Huwag ka nang umiyak Sa mundong pabago-bago Pag-ibig ko ay totoo Ako ang iyong bangka Kung magalit man ang alon ng panahon Sabay tayong aahon Kung wala ka nang maintindihan Kung wala ka nang makapitan Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin Hindi kita bibitawan Kunwari naman na hahampasin ng palo ni Nanay Amelia si Alexy na kuntodo emote sa pag awit na agad naman naiwasan nito. “Alyanna halika na dito at huwag mo ng hatawin si Alexy ke payat payat eh baka malusag pa buto niyan,” biro ni Tatay Arturo sa asawa. “Nay tawag ka na ni Ricardo Dalisay,” biro naman ni Jem sa ina na tawang tawa sa panonood sa harutan nila. “Halika nga bata ka at maupo ka lang dito sa harap naming ng ama mo hindi pa kita nauusap paano ka nga pala sasali sa graduation ball hindi ba at pambayad lang sa graduation ang naibigay ko sayo?” tanong ni Nanay Amelia. “Opo nay wala talaga akong balak na sumali pa at tanggap ko naman na wala tayong pagbayad eh kaso alam ninyo naman sila Roma, Berna at Aizen hindi papayag na hindi ako makakasama at huling kasayahan na daw iyon sa aming high school life kaya huwag na raw nating intindihin ang pambayad doon at sila na ang bahala pati damit na isusuot ko solve na kagandahan ko na lang ang kailangan kong i-contribute nay ipagdadamot ko pa ba?” pakwelang sagot ni Alexy. “Naku Alexy Kaye puro ka talaga kalokohan,” sagot na lang ni Nanay Amelia. “Siya nga pala nay kanina  napagkwentuhan naming kung anong course ang balak na kunin sa kolehiyo, si Aizen pala ay medtech ang balak kunin, si Berna ay fashion designing si Roma naman ay nagdadalawng isip kung interior designing o business administration aba siyempre hindi ako nagpahuli sabi ay Bachelor of Music ang  type eh kaso sa Manila lang meron non kaya baka mag education ako na major ay music pa rin para kagaya nila nakalinya sa passion nila ang kukuhaning kurso,” mahabang kwento ni Alexy. Pagkarinig sa litanya ni Alexy ay nagkatinginan ang mag asawa tila hudyat iyon na nagkaintindihan sila na oras na para kausapin si Alexy. “Jem, Kim pumasok na kayo sa kwarto ninyo gabi na oras na ng tulog tapos naman na ang sinusubaybayan ninyo,” utos ni Nanay Amelia sa dalawang bata na agad namang tumalima. Pinatay naman ni Tatay Arturo ang tv at seryosong humarap kay Alexy. “Anak ang totoo niyan ay noong isang araw ka pa naming gustong makausap ng nanay mo,” simula ni Tatay Arturo. Kinabahan si Alexys a kaseryosohan ng ama sapagkat kapag ganoon ang tono nito ay alam niyang may seryoso itong gustong sabihin at hindi siya pwedeng sumagot ng pabiro kaya’t hinintay niya na ituloy nito ang sasabihin sa kanya. “Alam mo naman na sa kaayawan ng kumpanya na tanggalin ang mga trabahador sa pabrika ay binawasan na lang nila ang pasok ng empleyado na sa halip na limang araw ay tatlo o apat na araw na lang sa isang linggo ang nagiging pasok namin. Ibig sabihin ay mas lumiit ang naiuuwi kong pera para masustenahan ang pangangailangan natin araw araw,” dagdag ni Tatay Arturo. “Tay kinakabahan naman po ako sa tinutumbok ng salita ninyo,” hindi napigilang singit niAlexy. “Anak masakit man sa amin dahil sa totoo lang alam namin kung gaano mo kagusto ang makatapos ng kolehiyo ay gusto naming maging tapat sayo na hindi na naming kakayanin na matustusan ang pag aaral mo nakakaawa naman kung ang mga kapatid mo na nasa elementarya pa lamang ang siyang hihinto ng pag- aaral,” paliwanag ni Tatay Arturo. Hindi nakakibo si Alexy hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ng ama habang nasa tabi naman niya ang ina na alam niyang nakikiramdam sa sitwasyon. “Sabi ko naman anak sa ama mo ay pwede naman siguro na maglabada na lang muna ako para makapag patuloy ka ng pag aaral,” sagot ni Nanay Amelia. “Naku nay ayos lang po hindi natin pwedeng iasa sa paglalabada ang pag aaral ko sa kolehiyo lalo na at hindi naman regular na may nagpapalaba sa atin okay lang po tutal bata pa naman po ako at pwede pang makapag ipon muna saka magbalik kolehiyo kapag kaya na natin,” sagot ni Alexy na pilit na itinatago ang lungkot na nararamdaman. “Salamat anak akala naming ay sasama ang loob mo na hindi ka na muna makakapag-aral,” tugon ni Nanay Amelia na tila nakahinga ng maluwag sa naging reaksyon ni Alexy. “Mother Earth bakit naman sasama ang loob ko? Ayos lang naman po iyon sa akin mas kawawa naman si Jem at Kim kung sila ang mahihinto dahil sa akin kaya huwag na po kayong mag isip ng kung anu-ano ayos lang po sa akin iyon saka malay natin baka sa susunod na taon ay medyo maluwag na tayo at kayanin na makabalik ako sap ag aaral di ba?” sagot ni Alexy. Inakbayan ni Nanay Amelia si Alexy tanda ng pasasalamat sa anak ramdam kasi niya bilang isang ina na malungkot si Alexy dangan nga lang at ayaw na nitong mag alala pa sila na makitaan ito ng hindi magandang reaksyon. Matapos ang pakikipag usap sa mga magulang ay nagpaalam na itong papasok na sa silid para gawin ang ilang assignments na ipapasa bukas ngunit pagdating sa kanyang silid ay hindi na napigilan ni Alexy ang maiyak na kanina pa niya pinipigilan na isambulat sa harap ng mga magulang sa kaayawang mag alala ang mga ito. Hindi niya naisip na mapapabilang pala siya sa mga mag aaral na magpapahinga muna ng pag aaral sa susunod na taon at ang katotohanang iyon ay labis na nagpabigat sa kanyang damdamin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD