bc

My Executive Love Affair -R-18

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
family
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
dominant
single mother
heir/heiress
drama
bxg
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

He was London's most untouchable billionaire.

Jace La Huerta.

CEO of L'heritage BioGenesis.

Cold.

Ruthless.

Untouchable.

He had everything a man could ever ask for—

Power. Wealth. Respect.

Yet there was one woman he could never stand.

Xanthea Rae Valle.

Or so he believed.

Because every time she walked into the room...

His eyes always found her first.

Every time another man got too close to her...

Something inside him burned.

He called it hatred.

He never realized...

It was jealousy.

Xanthea had only one secret.

She fell in love with Jace long before he learned how to hate her.

High school pa lang, siya na ang laman ng bawat pahina ng diary niya.

But one misunderstanding changed everything.

A wrong conclusion turned her greatest love...

Into his greatest heartbreak.

Years later, fate crossed their paths again.

This time, not as an executive secretary and her benefactor's son...

But as an executive forced to work under the billionaire who once swore he never wanted to see her again.

Some love stories begin with a kiss.

Theirs began with a misunderstanding.

And the truth... may be the only thing powerful enough to save them both.

chap-preview
Free preview
First Day
"Sometimes, the person you're most excited to see... is also the one most likely to break your heart." Mahigpit na napayakap si Xanthea Rae Valle sa envelope na naglalaman ng mga admission documents niya habang nakatayo sa harap ng isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa. L'Heritage University. Isang paaralang pinapangarap ng libo-libong estudyante sa henerasyon nila. Hindi lang dahil sa mataas nitong kalidad ng edukasyon. Kundi dahil dito nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya sa Pilipinas at maraming nag guguwapuhang foreigner na studyante ang susi sa kahirapan ng mamayang pilipino. Pero hindi kabilang doon si Rae sa pinakamamayamang pamilya, scholar lang siya ng university na yun at anak ng personal assistant ng head ng La Huerta ang Mama niya si Jared La Huerta. Ngunit hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit pinangarap niyang makapasok sa unibersidad na iyon. Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi niya habang nakatingala sa engrandeng gusali. "College na rin ako..." At ibig sabihin... Mas madalas na niyang makikita ang lalaking matagal nang naninirahan sa puso niya ng sekreto. Jace La Huerta. Ang ultimate crush niya. Ang anak ng amo ng mama niya at ang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya nang may kabaitan. Graduating student na ito sa kursong Business Administration at kilala sa buong campus bilang student council president, top student, at tagapagmana ng La Huerta Group. Habang siya... Isa lamang hamak na first-year pharmacy student. Napabuntong-hininga siya. "Sigurado... mabubuwisit na naman si Kuya Jace kapag nakita niya ako." Hindi niya mapigilang mapangiwi. Simula pa lang noong bata sila, hindi na siya gusto ni Jace. At may dahilan iyon. Noong nasa High school pa lamang sina Jace at ang kambal nitong si Jael, ipinatawag siya nina Jared at Lyza La Huerta. "Rae," malumanay na sabi noon ni Lyza habang nakangiti, "Ikaw ang pinakamabait sa inyong tatlo." Elementary pa lang siya ng panahon na yun. "Kapag may kalokohan sina Jace at Jael sa school... sabihin mo agad sa amin." Dahil doon siya ang naging unofficial spy ng mag-asawa. Sa tuwing may cutting classes. May away, may prank, may kalokohan. Lahat iyon ay naiuulat niya. Hindi dahil gusto niyang magsumbong. Kundi dahil hindi niya kayang magsinungaling sa mga taong tumulong sa kanila ng mama niya. At mula noon... Tinawag na siya ni Jace na... "Sumbungera." Hanggang ngayon. Hindi pa rin iyon nagbabago. Napailing siya habang tinitingnan ang papel sa kamay. "Admission Building..." Napasimangot siya. "Saan ba 'to?" Malaki ang campus. Napakalaki para siyang naliligaw sa isang maliit na siyudad. Naglakad siya sa gilid ng malawak na pathway habang paulit-ulit na sinusulyapan ang mapa sa orientation booklet. Hindi niya napansin ang sigawan sa kabilang field. "Hoy!" "Catch!" "Bola!" Napahinto ang ilang estudyante. May napasigaw. "Hey!Watch out!" Nagulat si Rae. Nilingon niya ang direksyon ng sigawan. Isang baseball ang mabilis na lumilipad papunta sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi na siya nakagalaw parang biglang tumigil ang oras mariin siya napapikit. "Tatama... Tatama sa mukha ko..." Inintay niya ang pagtama ng bola sa kanya, ngunit sa halip na maramdaman ang matinding sakit... Isang matatag na katawan ang biglang humarang sa harapan niya at tumama pa ang mukha niya sa dibdib nito. Isang malakas na dagundong ang narinig ni Rae. Kasunod ang impit na daing ng isang lalaki. "Argh!" Dahan-dahang iminulat ni Rae ang mga mata at halos tumigil ang t***k ng puso niya. Isang pamilyar na bulto ang bumungad sa kanya. Matangkad, malapad ang balikat. Naka-white sando na bahagyang basa, napasinghap pa siya ng bumagsak ng paluhod ang lalaki. Hanggang sa unti-unting lumingon ang lalaki sa kanya patingala habang nakaluhod ito sa harapan niya at doon niya nakita ang mukha nito. "Kuya Jace." Halos pabulong ang pagkakasabi niya. Nakaluhod si Jace sa sementadong daanan habang mariing napapikit muli, hinawakan nito ang likod na tinamaan ng bola. Kitang-kita sa mukha nito ang sakit. Mabilis na lumapit si Rae. "Kuya Jace! Okay ka lang ba?" Aalalayan sana niya ito. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang braso nito... Marahas siyang itinulak ni Jace. Hindi malakas. Ngunit sapat para mapahinto siya. Unti-unting tumingala muli ang binata sa kanya at matalim ang tingin. Malamig parang hindi siya iniligtas ilang segundo lang ang nakalipas. "Anong ginagawa mo rito?" Mahinang napalunok si Rae. "A-Ako..." turo pa niya sa sarili niya. "May iba pa bang tao maliban sa atin dalawa? Stupid!" "Ayyy. Grabe naman nag tatanong lang naman di ba siya pwedeng sumagot ng maayos." bulong ni Rae sa isip niya. "Hindi ka ba pwedeng tumingin sa dinaraanan mo?" Napakurap siya. "Kuya, ako kasi—" "At huwag mo nga akong tinatawag na kuya, hindi kita kaano-ano at wag kang pakalat-kalat sa campus." Mahigpit ang boses nito. "Nakakaperwisyo ka." Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ni Rae. Hindi man lang siya nito tinanong kung ayos lang siya. Hindi man lang ngumiti. Sa halip siya pa ang sinisi. Tahimik siyang napayuko. "Sorry..." Iyon lang ang naisagot niya. Tumayo si Jace at pinagpag ang suot nitong pants bago malamig na tumingin sa kanya. "Kung hindi ka marunong umiwas, umuwi ka na lang. Bawal dito ang bingi at tatanga-tanga." Pagkasabi noon... Tinalikuran siya nito. Iniwan siyang nakatayo sa gitna ng pathway habang unti-unting nagbubulungan ang mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari. Mahigpit na napahawak si Rae sa envelope na bitbit niya. Masakit, hindi dahil muntik na siyang tamaan ng baseball. Kundi dahil... Kahit iniligtas siya ng lalaking pinakamamahal niya sa huli, galit pa rin ang tingin nito sa kanya at iyon ang unang araw niya sa kolehiyo. Maya-maya natanaw niya na tumakbo papalapit dito ang isang magandang babae at tiningnan pa ang likod nito, si Valentine ang bestfriend ni Jace ang babaeng alam niyang gusto nito. Napahinga siya ng malalim noon pa niya alam yun at tingin niya hindi alam ni Valen na may gusto dito si Jace. At wala naman kaso sa kanya iyon dahil alam naman niya ang lugar niya at hindi naman ganun kataas ang pangarap niya. Makita lang niya si Jace araw-araw kontento na siya. Hindi niya kailangan mag papasin o maghabol gaya ng ibang babae na nagkakagusto kay Jael at Jace. Siya sapat na sa kanya na may maisulat sa diary niya at makita si Jace araw-araw. "Hay! Buo nanaman ang araw ako. Ang saya," ngumiti siya kahit pilit saka tumalikod na at nag simula na ulit maglakad. Sa di kalayuan napalingon si Jace at sinundan ng tingin si Xanthea sabay buga ng hangin. "What's wrong?" tanong ni Valen, "Wala." tangi ni Jace na matipid na ngumiti. Hindi niya alam kung ano ba dapat niyang maramdaman ng makita si Xanthea sa university. Hindi niya alam kung mag-aalala ba siya o maiinis lang dahil tiyak na hindi nanaman sila makakakilos ng ayos ng Kuya Jael niya dahil meron nanaman asungot na taga sumbong sa parents nila. - - - - - "Kilala mo yung pretty nerdy kanina na niligtas mo? Kaninang umaga." tanong ni Neil habang nasa boys locker room sila at nag bibihis. "Hindi." matipid na sagot ni Jace na hindi nililingon ang kaibigan. "Hindi? So, kelan ka pa naging superhero ang bilis mo kanina. Katabi ka lang ni Ethan kanina tapos nagulat nalang kami naharang mo na agad yung bola na lumilipad." natatawang tanong nito pero hindi sumagot si Jace tahimik lang siyang nagbibihis. "Basketball player tayo pero parang track and field player ka kanina." natawanan ang mga kaibigan niyang naroon pero hindi pa rin siya nag react kunwari deadma pero deep inside alam niya ang sagot ayaw lang niyang mag explain. Pag sarado niya ng pinto ng locker niya agad na siyang lumabas at sinabi sa mga ito na uuna na siyang umuwi. Saktong labas niya ng locker room ng mapangiwi at napatingin sa school speaker na biglang matinig na umugong na parang meron mic na tumapat sa speaker. Then he heard voice na humingi ng sorry. Bumagal ang lakad niya sa corridor ilang sandali pa narinig na niya ang isang boses acapella lang ng una pero sa huli narinig niya na sinabayan na yun ng paino. Baby, now that I've found you, I can't let you go I'll build my world around you, I need you so Baby, even though you don't need me You don't need me Baby, baby, since first we met I knew in this heart of mine, I wanna tell you The love we had could not be bad Play it right and bide my time Spent a lifetime looking for somebody To give me love like you Now you've told me that you wanna leave me Darling, I just can't let you Baby, now that I've found you, I can't let you go Hindi lang si Jace ang napahinto sa pag lalakad sa corridor at nakinig sa malamig na boses na nasa speaker. Halos lahat napahinto at nakinig nalang sa boses ng kumakanta na bakas sa mga mukha ang paghanga, muli naman ng naglakad si Jace habang naririnig niya ang boses ng nagtatanong. "What your name again? Your freshmen right?" rinig pa nilang lahat sa speaker na nalimutan ata patayin ang audio. "Xanthea Rae Valle po," muling napahinto si Jace sa paghakbang at napapikit na yumuko ng ilang sandali bago huminga ng malalim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
796.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
373.9K
bc

Not just, the Beta

read
357.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook