Monica's P.O.V "Aling Modta...." tawag ko sa kaniya nang maisip ko bigla si Wilder. "Bakit, Monica?" sabi naman ni aling Modta nang tawagin ko siya. Bumuntong hininga ako sabay tingin sa kaniya. "Naisip ko lang po bigla 'yong sinabi ko sa inyo tungkol kay Wilder. Sa tingin mo po ba.... gagawin iyon ni Wilder? Na magagawang tuparin ni Wilder 'yong hiling sa kaniya ni Carla?" Tumikhim si aling Modta at saka lumapit sa akin. "Sa totoo langm....hindi ko rin alam. Kasi bakit nasabi ni Wilder na tutuparin niya iyon kung mahal na mahal ka niya? Kasi dapat hindi niya magagawa iyon dahil maling- mali iyon. Ano ba kasing tulong ang ginawa ni Carla?" "Iyon nga po ang hindi ko alam. Kasi sa tingin ko hindi lang basta tulong ang ginawa ni Carla para tuparin ni Wilder ang gusto niya. Hinayupak tala

