Monica's P.O.V. "Ikaw na ba si Monica?" sabi ng isang babae na halatang may edad na pero maganda pa rin. "Opo..." sabi ko sabay ngiti. "Ang ganda mo naman. Parang hindi ka naman bagay na maging tindera dito," natatawa niyang sabi. Napakamot naman ako sa aking ulo. "Naku, hindi po. Sanay naman po akong magtinda..." Ngumiti ang babae. "Tawagin mo na lang akong ate Carmen. Ako ang may- ari ng tsinelasan na ito at matagal na rin akong nakapuwesto dito. Pero hindi lang ito ang paninda ko. May isa pa akong puwesto dito sa palengke at mga damit naman paninda ko doon." Tumango- tango naman ako at pinalibot ang mata ko sa maraming tsinelas sa puwesto namin. "Nakakatuwa naman po pala kung ganoon...." tanging nasabi ko dahil wala akong maisip na sasabihin. "So ayon...si Janine na lang ang baha

