Monica's P.O.V. Umaga na pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Mabuti na lang talaga at nakahanap kaagad ako ng apartment na paglilipatan ko. Nagulat nga ang may- ari dahil kaagad ko itong pinuntahan at nilipatan. Magang- maga na ang mata ko dahil wala akong ibang ginawa kun'di umiyak buong magdamag hanggang ngayong umaga. Nakahiga lang ako ngayon sa lapag dahil wala naman akong mga gamit dito. 'Yong nabili kong kumot lang ang sinapin ko at isang pirasong unan. Siguro sa susunod na lang ako bibili ng mga gamit ko dito. Baka bukas na dahil tinatamad akong kumilos. Dinala ko lahat ang pera ko dahil mahirap ng walang pera. Mabuti na lang talaga at medyo madami ang pera ko dahil tinatanggap ko ang mga bigay sa akin. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Nagugutom na ako. Kaya naman wala

