Kabanata 90

1340 Words

Wilder's P. O. V. "Anong ginagawa mo dito?" Huminga siya ng malalim bago lumapit sa akin. "Gusto ko lang linawin sa iyo ang lahat. Naisip ko kasi na hindi ko ito dapat ituloy. " Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Totoong nagustuhan ko si Monica. Huwag ka sanang magagalit dahil noong una, hindi ko naman alam na may relasyon kayo." Tinitigan ko ng matalim si Kenjie. "At sino naman ang nagsabi sa iyo na may relasyon kami?" Tumikhim siya. Wala naman kasing may alam tungkol sa relasyon namin kun'di si Archie at si Grace. Silang dalawa lang at wala ng iba pa. "Si Grace. Siya ang nagsabi sa akin ng tungkol sa inyong dalawa ni Monica...." diretsong sabi niya. Namilog ang mga mata ko. "At bakit naman niya kailangang sabihin sa iyo iyon?" "Sa totoo lang napapansin ko rin naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD