Monica's P.O.V. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Napagtanto ko na lamang na nasa loob na pala ako ng sasakyan ni Wilder habang umaandar na ito. Matalim ko siyang tinitigan. Hindi ko maipagkakailang namiss ko ang hinayupak na ito pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. "Ihinto mo ang sasakyan," maawtoridad kong sabi sa kaniya ngunit hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. "Ihinto mo sabi!" gigil kong sigaw sa kaniya ngunit hindi pa rin niya ako pinakinggan kaya naman nairita na talaga ako. "Ayaw mong makinig, ah..." sambit ko sabay hingang malalim. Bigla kong pinisil ng sobra ang kaniyang p*********i dahilan para mapahiyaw siya at tapakang bigla ang preno kaya naman humintong bigla ang sasakyan. Muntik pa nga akong mauntog sa manibela. Mabuti na lamang a

