Monica's P.O.V. Pasimple kong pinagmasdan si Wilder na inaayusan ng kaniyang make up artist. Kahit may make up o wala, napakaguwapo ni Wilder. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang unang eksena ni Wilder. Pasimple akong sumulyap sa kaniyang partner sa movie nila na si Grace. Maganda ito. Matangkad, maputi, makinis at mala- barbie ang mukha. Huminga ako ng malalim habang inaayos ko ang mga damit na susuotin ni Wilder. Ang pakilala sa akin ni Wilder dito ay personal staff niya ako kung saan ako ang bahalang mag- asikaso sa kaniya kung ano man ang kailangan niya. "Alam mo ang swerte mo girl! Ang guwapo ng boss mo!" sambit ni Olivia na katulad ko rin. At si Grace ang boss niya. "Loko hindi naman. Siguro masuwerte lang ako dahil mabait na boss si Sir Wilder. At hindi siya katu

