Monica's P. O. V. Mula nang kausapin ako ni Kenjie, kapansin- pansin ang palagi niyang paglapit sa akin at palagi niyang pagkausap sa akin. Medyo naiilang nga ako sa kanya dahil ayokong makita kami ni Wilder na nag-uusap. Ayoko kasi na magselos pa si Wilder. Ayoko na magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan dahil lang sa nagseselos siya sa bagay na wala namang dahilan para mag selos. "Monica! Tara kumain na tayo!" tawag sa akin ni Kenjie. "Ha? Eh busog pa ako. Ikaw na lang muna," pagpalusot ka naman sa kaniya. "Anong busog? Eh hindi pa nga kita nakitang kumakain. Tara na, kumain na tayo..." pangungulit niya pa. Napangiwi naman ako. "Mamaya na lang siguro ako kakain dahil hindi pa talaga ako nagugutom." Ngumisi siya. "Huwag ka ng magsinungaling pa, Monica. Alam kong nagugutom ka na. Ba

