Grace's P. O. V. "Bakit nakangiti kayo diyan miss Grace?" tanong sa akin ni Olivia. Tumingin ako sa kaniya. "Paano naman ako hindi sasaya eh pumayag na si Wilder na palagi kaming magde- date?" Nanlaki ang mata niya. "Oh? Mabuti naman po pala kung ganoon! Kaya lang, ayos lang ba talaga iyon kay Monica?" Napangiti naman ako. "Malamang dahil tanga naman siya. Wala na akong pakialam sa babaeng 'yon dahil isa siyang tanga. Ni hindi man lang makaramdam na may ginagawa na akong masama sa kaniya." "Eh baka naman ganoon lang talaga siya. Mabait kaya siguro hindi siya nakaramdam?" Pinanlakihan ko ng mata si Olivia. "Ah ganoon? So para sa iyo mabait si Monica?" Parang nagulat naman siya sa sinabi ko. "Hindi naman po sa ano, miss Grace... pero kasi... mabait naman po talaga ang babaeng 'yon kay

