Monica's P. O. V. Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Grace simula nang malaman niyang may relasyon kami ni Wilder. Sa totoo lang, kinabahan talaga ako ng sobra nang malaman niya iyon. Nakakainis din kasi itong si Wilder. Masyado ring halata. Sinabihan ko na noon pa na huwag masyadong masaya kapag kausap ako at huwag masyadong masungit sa ibang babae pero hindi pa rin nakinig. Nahalata tuloy ang ibang pakikitungo niya sa akin. Naintindihan ko naman kung bakit ganoon sa aking si Wilder dahil ayaw niya akong nakakaramdam ng selos. Pero ipinaintindi ko naman sa kaniya na kailangan niyang magkunwari. Ganoon talaga kapag artista. Kailangan mong umakto sa harap ng camera at makunwari. May mga artista na mababait sa camera ngunit iba pala ang ugali sa totoong buhay. Sana lang talaga ito

