Grace's P. O. V. "Buwisit talaga!" malakas kong sigaw sabay bato ng unan. "Miss Grace? Ano pong nangyayari sa inyo?" tanong sa akin ni Olivia nang pumasok siya sa aking kuwarto. "Si Wilder! Nakakainis siya!" "Ha? At bakit naman po? Akala ko po ba nagiging okay na kayong dalawa?" Mariin akong napapikit. "Kahit ako akala ko rin. Pero totoo namang nagkaroon ng pagbabago sa pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Pero parang bumalik na naman sa dati dahil sa Monica na 'yon! Napakaepal niya masyado!" "Hala bakit Miss Grace? Ano na naman po ang ginawa sa iyo ng babaeng 'yon?" Umirap ako sa hangin. "Ano pa ba sa tingin mo? Eh 'di dumidikit na naman siya kay Wilder! Sa tingin ko, talagang sinasadya niyang linkisan ng lalaking 'yon para lalo akong mairita!" Natawa naman siya ng

