Monica's P.O.V. Nakangiti akong pinagmamasdan si Wilder habang ini- interview siya tungkol sa kanilang successful na movie. Maraming tao ang nandito ngayon sa studio na talaga namang fan na fan nilang dalawa. Kahit ako rin naman habang pinapanood ang movie nila ay kinikilig sa kanilang pag- arteng dalawa. Parehas silang magaling. Wala akong masabi kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging patok ito sa mga tao. Mapabata o matanda man ay nagustuhan ang kanilang palabas. "So ayon na nga Wilder... naging successful ang first movie mo. Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayong kakasalang mo pa lang sa showbiz tapos biglang nag- boom agad ang first movie mo?" tanong sa kaniya ng interviewer. Ngumiti naman si Wilder. "Syempre masarap sa pakiramdam. Nakakatuwa na makita ang first movie ko kun

