Grace's P.O.V. "Monica!" Kaagad naman siyang lumingon sa akin. "Bakit po miss Grace?" nakangiting sabi niya. "Gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil kahit papaano, mayroon ng pagbabago sa trato sa akin ni Wilder. Hindi na siya ganoon kasungit at medyo nakakausap ko na rin siya kahit papaano," sabi ko sabay ngiti. "Naku, wala po iyon. Sinabi ko lang po kay Sir Wilder kung ano po ang dapat niyang gawin. At saka kailangan po talaga na medyo close kayong dalawa dahil iyon naman ang gusto ng mga tao. Kasi kapag nakita nila na sweet kayo kahit off cam, mas kikiligin sila at mas magugustuhan kayo..." sabi niya sabay ngiti. "Tama ka nga. Iyon naman talaga dapat. Bigla tuloy akong kinilig eh. Nakakakilig talaga si Wilder. Lalo na kapag na- take kami ng kissing scene? Pakiramdam ko tuloy nasa

