Monica's P.O.V. Nakagat ko ang aking pang- ibabang labi habang nakatingin sa kalsada. Binilisan na ni Wilder ang kaniyang pagmamaneho papunta kung nasaan ngayon si aling Modta. Habang magkatawagan kami, panay lang iyak si aling Modta na tila ba nahihirapan na siyang makahinga. Pagkarating namin sa lugar kung saan nakaburol si Mr. Tinamuran, nakita ko doon sa loob ng lugar na iyon na umiiyak habang yakap- yakap ni aling Modta ang kabaong. Siya lang ang naroon. Walang katao tao kaya naman kaagad ko siyang niyakap. "Aling Modta..." tawag ko sa kaniya sabay haplos ng kaniyang likod. "Monica..." umiiyak na sambit sabay yakap ng mahigpit sa akin. Hinayaan ko muna siyang umiyak at hindi mo na ako nagtanong. Pasimple akong sumilip sa kabaong at nakita ko nga ang tila natutulog lamang na si Mr

