Monica's P.O.V. "Aling Modta...kumain na po kayo," sabi ko kay aling Modta nang makarating siya dito sa condo unit. Isang linggo matapos mailibing si Mr. Tinamuran, ang laki ng ibinagsak ng katawan ni aling Modta. Talagang namayat siya dahil hindi siya masyadong kumakain at nagkaroon din siya ng eyebags dahil hindi siya nakakatulog ng ayos. Madalas ko pa nga siyang nakikitang umiiyak kapag dinadalaw ko siya kung saan nakaburol no'n si Mr. Tinamuran. Naisip ko nga na baka magkasakit itong si aling Modta sa pangungulila kay Mr. Tinamuran kaya naman nagpabili ako kay Wilder ng mga prutas pati na rin ang vitamins ni aling Modta. Nagpabili rin ako ng maraming fresh milk para sa kaniya dahil ayoko namang manghina at ano pa ang mangyari kay aling Modta. "Pasensya ka na, Monica kung puro na lan

