Monica's P.O.V. "Monica... may nahanap na akong mauupahan malapit lang dito. Maganda ang puwesto kasi tabing kalsada. Puwede akong magtinda ng mga ulam," sabi sa akin ni aling Modta nang makabalik siya mula sa labas. "Talaga po? Gusto niyo na po ulit magtayo ng karinderya ninyo dito?" Mabagal na tumango si aling Modta. "Oo. Naisipan ko na magtinda ulit dito. Maganda 'yong nakuha kong puwesto. Malaki- laki pa. Sayusin ko na lang 'yong bahay narerentahan ko. Mabuti nga tabing kalsada kaya maraming tao ang dumadaan. Naisip ko na mas lalo lang akong malulungkot kapag nandito lang ako palagi. Eh matanda na rin naman ako, Monica. Mas gusto kong may pinaglilibangan. Alam mo naman na ang pagluluto ang isa sa libangan ko..." Nginitian ko si aling Modta. Masaya ako para sa kaniya. Natutuwa ako'

