Kababata 92

1831 Words

Monica's P. O. V. Isang buwan ang lumipas matapos lumisan ni aling Modta sa mundong ito, pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Linggo- linggo ko siyang dinadalaw sa puntod niya at kinakausap siya doon. Sobrang lungkot. At sobrang sakit sa akin na nawala pa ang taong minahal ako bilang anak niya. Pero wala naman akong magagawa dahil alam kong pagod na rin siya. At gusto na rin talaga niyang magpahinga. Bumaling ako kay Wilder na nakakunot ang noo. "Bakit? May problema ba?" Tumingin siya sa akin. "Si Grace.... papansin na naman. Gustong makipagkita sa akin. Pinipilit niya akong bumalik sa pag- aartista dahil bumagsak na ang career niya. Nang dahil sa kagaguhan niya, wala ng nag-o - offer sa kaniya na bagong projects. Nagba- vlog na lang din siya pero wala naman masyadong nanunuod."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD