Kabanata 59

1603 Words

Monica's P.O.V. Matapos ang isang linggo simula nang huling away namin ni Carla, hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Kaya naman medyo kalmado ang mundo ko. Sa tingin ko, napuruhan ko yata ang babaeng iyon. Dahil talagang sinigurado ko na magiging malalim ang sugat na binigay ko sa kaniya. Naupo muna ako sa tabi kung saan naghihintay ako ng customer namin. Hapon na rin kasi kaya kakaunti na lang ang kumakain. Pero kakaunti na lang din ang natitirang pagkain na tinda ni aling Modta. May tinubo na siya. Kaya naman nagpapaubos na lang kami ng paninda. "Inday ko..." tawag sa akin ni Wilder na kararating lang. Napatayo ako dahil tila iba ang itsura ngayon ni Wilder. Pulang- pula ang kaniyang mukha hanggang leeg pati na ang kaniyang mata ay namumula. "Dodong? Ayos ka lang ba?" tanong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD