Monica's P.O.V. "Wilder!" Duguang bumagsak sa sahig si Wilder. Nagkaroon siya ng tama sa balikat nang barilin siya ni Daniel. Mabuti na lamang at naunang bumagsak ang katawan ni Wilder bago tuluyang pumutok ang baril ni Daniel kaya sa balikat lamang siya tinamaan. Dahil kung hindi, sa dibdib siya tatamaan. "Tangina mo ka!" Sunod- sunod na putok nang baril ang tumama sa katawan ni Daniel nang pagbabarilin siya ng mga pulis na kasama ni Shaun. Kaagad na nilapitan ni Shaun si Wilder habang ako naman ay kinalasan ng tali ng pulis. "Wilder.... Wilder gumising ka!" sigaw ni Shaun habang tinatapik sa mukha si Wilder. "Wilder! Wilder! Gising! Wilder!" umiiyak na sambit ko habang yakap ang walang malay na katawan ni Wilder. "Tumabi ka muna, Monica. Kailangan natin siyang madala sa pinakamala

