Wilder's P.O.V. Naibato ko ang hawak kong bote nang makita ko ang sinend na picture ni Daniel sa akin. Kung saan sinabunutan niya si Monica. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at tila nabuhay ang dugo ko na para bang gusto ko ng pumatay sa sobrang galit ko ngayon. Naiinis din ako kay Monica dahil hindi siya marunong makinig sa akin. Una pa.lang ay iba na ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Sinubukan ko lang namang hindi magpakita kay Monica dahil baka nagsasawa na siya sa akin at iyon naman ang ayaw kong mangyari. Pero nang dahil sa isang araw na hindi ko pagpapakita sa kaniya, ito naman ang nangyari sa kaniya ngayon. Nagsisisi tuloy ako bigla kung bakit hindi ako nagpakita kay Monica ng isang araw. "Ano? Tara na? Banatan na natin ang lalaking iyon," sambit ni Shaun sa likuran ko.

