Monica's P.O.V. "Ang dami mo namang binili. Hindi ko mauubos ito," sabi ko nang mahawakan ko ang paper bag na inabot sa akin ni Wilder. Wala si Janine ngayon. Nakipag- inuman sa mga kaibigan niya. Niyaya niya nga akong sumama sa kaniya pero tumanggi ako dahil hindi naman ako umiinom. At isa pa, tinatamad din akong lumabas- labas. Mas gusto ko pang matulog buong maghapon kaysa gumala. "Basta kung hindi mo maubos, itabi mo na lang. Puwede mo naman kainin 'yan kahit anong oras. Namamayat ka na, Monica. Baka hindi ka na nakakakain ng maayos. Nag- aalala na ako sa iyo. Si aling Modta nga, palagi kang tinatanong sa akin kung ayos ka lang ba. Miss ka na raw niya. Gusto ka na raw niyang makita," mababakas sa tono ni Wilder ang lungkot. Napakagat labi ako kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa pa

