CHAPTER 39 DJ’s POV Isang batang transferee mula sa isla. Tahimik, laging nasa sulok, palaging tampulan ng tukso. Ako ‘yon. Wala akong kakampi noon, walang nagsisikap na alamin kung sino nga ba ako… maliban kay Rica. Siya lang ang lumapit. Siya lang ang nagtanggol sa akin sa mga bullies. Naalala ko pa ang sinabi niya sa kanila: “Ano bang kasalanan niya sa inyo? Wala! Kung may problema kayo, ‘wag n’yong idamay ang iba.” Matapang siya, matuwid, walang alinlangan na ipagtanggol ang tama. Simula noon, hindi ko na siya tinigilan. Siya ang naging inspirasyon ko. Gusto kong maging katulad niya—malakas, matapang, may paninindigan. Naging magkaibigan kami hanggang sa nagbakasyon ang klase. Hindi ko alam na pupunta pala siya sa Bantayan Island, sa mismong lugar kung saan ako lumaki. Kung may is

