CHAPTER 40 Lumipas ang mga buwan, ngunit tila ba nanatili akong nakatayo sa parehong lugar—naghihintay sa isang bagay na hindi ko alam kung babalik pa. Matapos ang gabing iyon, wala na akong narinig mula kay DJ. Hindi siya nagpaparamdam, hindi niya ako kinausap ulit. Kung ano man ang iniisip niya, hindi ko alam. Pero ang isang bagay na masakit sa akin—ang pag-iwan niya sa akin sa ere. O baka… sadyang hindi na niya kaya pang bumalik sa akin? Dinamdam niya kaya ang katotohanang nawala ang anak namin? Sa tuwing iniisip ko iyon, pakiramdam ko'y nawawala ang hangin sa paligid ko. Sinubukan kong bumalik sa normal, bumalik sa trabaho, lumabas kasama si Shana at Terrence. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong magpanggap na ayos lang ako. Pero sa tuwing mag-isa ako sa condo, bumabalik ang tanong

