Chapter 9
Ilang buwan na ang lumipas simula nung magsimula ako sa Imperio Empire. So far, maganda naman ang pakikitungo ng iba sakin yung iba hindi kasi masyado raw akong close sa boss nila. Kasalanan ko bang maganda ako? Charot.
So ayun na nga, nandito na naman ako sa aking mahiwagang lamesa. Nilagyan ko na rin 'to ng design kaya maaliwalas na siya tignan. May picture rin si Drew dito. Wala si Katniss kasi may pinuntahan atang emergency sa probinsya. About ata sa mother niya kaya one week siya nag leave. Kaloka, ako pa naiwan dito mag-isa. Nakakabaliw ang walang kausap.
Tinignan ko na ang mga folder na kailangan ko tapusin at nag unat unat bago humarap sa pc ko at nagsimula na mag trabaho. Puro siya encode at puro reports ang sakit sa ulo.
Masyado akong nahook sa ginagawa ko kaya di ko napansin na lunch break na pala. Tumayo na ko at kumatok sa pintuan ni sir Damon. Oh, diba? First name basis. Hahaha.
"Sir, what do you want for lunch po?" Tanong ko pagbukas ko nung pinto. As usual nakadukdok ang mukha niya sa mga pinipirmahan niya. Okay na rin pala ang problema sa pera dahil nagawan na niya ng paraan. Elibs din ako sa utak at pagka maparaan nito eh.
"Just order pizza and lasagna. Sumabay ka na rin sakin kumain dahil alam kong wala kang kasabay." Kinilig naman ako sa sinabi ni sir. Date na ba ito?
"Date ba 'to sir?" Biro ko. Napaangat naman ng tingin si sir. Kita ko ang pamumula ng tainga niya. Pero bigla rin siyang ngumisi.
"Date it is." Natigilan naman ako at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Natawa naman si sir.
"Itong landline na ang gamitin mo para contact-in ang cafeteria sa baba." Sabi niya. Tahimik naman akong sumunod at siya naman ay bumalik sa pagpirma. Madali akong pumunta sa landline na connected sa lahat ng floor dito sa building. Agad kong denial ang number at sinagot naman agad.
"Hello. Sa office 'to ni bossing. Pakidalhan na lang daw siya ng 2 large pizza at lasagna." Pabulong na sabi ko pero hate ata ako ng nasa canteen.
"Bakit hindi si sir ang tumawag? Aba, pare-parehas lang tayong empleyado rito kaya wala kang karapatang utusan ako. Ikaw ang bumaba at bumili sa labas dahil ubos na ang mga sinabi mo." Masungit niyang sabi. Aba, ibang klase rin 'tong tindera na 'to ah? Kala mo maganda ang pangit naman ng fashion sense at mukha pang mangkukulam dahil sa make up.
"Okay." Sabi ko na lang at binaba na ang tawag. Tumingin naman ako kay sir na busy pa sa pag pirma.
"Sir, cr lang po ko sandali" Tumango lamang siya at di ako gumawa ng ingay para di siya makahalata.
Kinuha ko agad ang wallet ko at sumakay ng elevator at dumiretso sa ground floor para bumili sa malapit na tindahan. Pagbaba ng elevator ay dumiretso ako agad kay manong guard. Sumaludo naman agad ako at ganun din si manong kaya nag ngitian kami.
"Labas lang ako saglit, kuya. May pinapabili si boss. Wag mo na lang sabihin sa kaniya." Nginitian naman ako ni kuya at umokay na rin siya kaya naman lumabas na ako.
Mga ilang kilometrong lakad pa ay may nadaanan akong Greenwich kaya pumasok agad ako at medyo mahaba ang pila. Naku, mukhang matatagalan pa ko ah? Sana di mahalata ni sir.
Halos magdadalawang oras na kong naghintay at sa wakas turn ko na. Sinabi ko agad ang order ko at madali naman nilang nabigay. Lakad takbo ang ginawa ko kaya hapo na ko nung makarating sa building. Pumasok naman ako agad at hinarap si Kuya.
"Kuya, pwede pabigay 'to dun sa floor ni boss? Sabihin mo galing cafeteria, okay?" Hingal na sabi ko.
"Okay ka lang ba ma'am?" Nag thumbs up naman ako kay kuya.
"Oo naman po, pag tinanong kung saan ako galing sabihin mo may kinausap lang na importante." Sabi ko at kinalma sarili ko.
"Okay po ma'am." Dalawa namang guard ang nasa entrance ng building kaya ayos lang pag wala ang isa.
Dumiretso ako ng cr para mag freshen up at sumakay ulit ng elevator paakyat. Nakasalubong ko pa si Kuya guard kaya naman tinanguan ko lang siya. Kumatok muna ko bago pumasok sa office ni sir.
"What took you so long?" Bungad na tanong niya agad sakin at nakakunot ang noo. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa visitors chair.
"May kinausap lang, bossing. Wag mo na ikunot yang noo mo. Di bagay." Natatawa kong sabi. Kita ko naman ang unti-unting pagwala ng kunot sa noo niya.
"Kain na tayo. Nagutom ako eh." Pinasigla ko ang boses ko kahit masakit na ang katawan ko. Konting oras na lang naman uwian na eh.
Ako na ang unang nag bukas ng pizza at kumuha ng slice at nilantakan. Heaven! Pansin ko rin na nakain na si sir.
"Hinay-hinay. Di ka mauubusan niyan." Natatawa niyang sabi pero galit galit muna gutom ako.
Mga ilang minute pa kami kumain ng tahimik pero di naman awkward. Dumighay ako ng malakas.
"Excuse me." Nahihiya kong sabi pero si sir Damon tinawanan lang ako.
"Para kang kargador kung kumain kanina. Haven't you eat your breakfast?" Natatawa niya pa ring sabi niya.
"Grabe sa kargador sir ah? Di pwedeng construction?" Natawa na naman siya sa sinabi ko. Happy pill ata ako nito ni sir eh.
"I like you." Sabi niya na natatawa pa. Kahit alam kong sa sense of humor ko yun sinakyan ko pa rin.
"I like you rin, sir." Parehas naman kaming tumawa. Happy pill naming ang isa't isa. Ang saya. Bongga lang.
"When will you bring your child here?" He suddenly ask. Napaisip naman ako.
"Baka one of these days, sir. Alam ko aalis yung nanay nanayan ko kaya walng bantay sa anak ko." Napangiti naman siya ng malawak. Weird din nito eh.
"Okay." Sabi na lang niya at nakangiti pa.
"Sige sir, balik na po ko sa station ko." Tumayo naman ako at inayos attire ko.
"Okay." Yun lang at lumabas na ako.
Pag-upo ko ay ramdam ko ang pagod kaya nag inat ako at dumukdok sa mesa ko at di ko napansin na nakatulog pala ko.