Chapter 7
Pag pasok namin sa office ni Sir ay umupo agad siya sa swivel chair niya. Nakayuko lang ako at hinid tinitignan si Sir dahil sa hiya sa nangyari kanina. Nilaro laro ko lang ang mga daliri ko habang nakayuko. Di na ata kaya ni Sir ang katahimikan kaya siya na ang bumasag nito.
"Sit down, Ms. Caneza." Nakayuko naman akong sumunod sa kaniya.
"Look at me." Para akong puppet na sunud-sunuran sa sasabihin niya. Tinignan ko siya.
"I will let what happened go a while ago. Dahil bago ka pa lang naiintindihan ko kaya palalampasin ko." Tinago ko ang ngiti ko at nakatingin pa rin sa kaniya.
"Thank you, Sir." Yun na lang ang nasabi ko.
"The reason why I called you here is because I want you to tell me something about yourself. We didn't do that yesterday, right?" Tanong niya at sumandal sa swivel chair niya habang ang pinagsalikop ang mga palad at nilagay ang baba niya sa likod ng palad niya.
"Kala ko ligtas na ko dun." Mahinang sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko. Wala akong kuto at dandruff ah?
"Saying something?" Puna sakin ni Sir.
"Nothing, Sir. Sabi ko po mabait ako, masipag, madaldal, artistic, joyful, ano pa ba?" Nag-iisip kong sabi.
"What about your family? Do you have boyfriend? Husband perhaps?" Interesadong tanong ni Sir.
"Naku. Ikaw sir ah? Curious ka? Bawal mag jowa sa work."Pagbibiro ko at nakangiting napailing-iling si sir at may bumulong.
"Saying something?" Pang gagaya ko sa sinabi niya kanina. Doon na siya natawa.
"Hala, Baliw ka sir? Charot."Biro ko at nag peace sign ngumiti lang naman si sir.
"So? Do you have boyfriend or husband?" Tanong niya ulit.
"None, sir. Bakit a-apply ka?" Natawa lang naman ulit siya. Okay din pala to si Sir eh, nakikisakay sa trip ko.
"No. I have a wife." Natatawa niyang sabi.
"Ay oo nga raw po. Sayang, bet pa naman po kita." Natatawa kong sabi at tumawa na naman siya. Baliw na nga. Tawag na ba ko sa mental?
"Sorry to disappoint you." Nakangiti niya pang sabi.
"Okay lang naman, Sir. Jokie jokie lang. Wala po kong boyfriend o asawa kasi may anak na po ko. Masaya na kong kapiling lang po ang anak ko." Nakangiti kong sabi at kita ko naman ang gulat sa mukha niya.
"Gulat ka no? Di halata kasi sexy ako." Natatawa kong sabi pero si Sir para pa ring estatwa. Luh, kanina baliw ngayon naman bato. Real quick.
"Hello sir to earth?" Tawag ko sa pansin niya at kinaway ang kamay ko sa mukha niya.
"Y-you were saying?" Tanong niya nung nakabawi.
"Luh, ikaw natulala dyan sir eh. Nakakagulat ba talaga na may anak ako. Gusto mo dalhin ko rito, sir?" Pabiro kong sabi.
"S-sure why not?" Utal niyang sabi. Ako naman ang nagulat.
"Seryoso ka sir?" Gulat pa rin na tanong ko.
"Yes. Bring your child here next time." Sabi niya at parang may iniisip na malalim. Saglit kami natahimik bago ko ito binasag.
"Okay, Sir. Labas na po ko. Masyado na kong nagtagal dito." Natatawa kong sabi at tumayo na.
"Okay. Tanungin mo si Prim kung anong sched ko this week."Napatango naman ako at dumiretso na sa pinto at lumabas na. Narinig ko naming may sumitsit sakin. Si Prim lang pala kaya lumapit ako sa kaniya.
"Ateng, anong nangyari sa loob? Napagalitan ka ba?" Tanong niya na sunod-sunod. Natawa naman ako sa kaniya.
"Gaga hindi. Nagkwentuhan lang kami ni Sir, kasi kulang na ata yung time kahapon kaya nahired ako agad diba? Nag tanong lang siya about me. Mukhang interesado si Sir sakin." Makapal na mukhang sabi ko.
"Loka loka may asawa na yun. Nakwento mo yung about sa anak mo?" Tanong ni Prim. Alam na rin niya ang about kay Drew dahil sa kwentuhan naming kanina at gulat din siya.
"Oo, gulat nga siya eh. Di ba halata kasi sexy ako? Sabi pa nga pwede kong dalhin si Drew dito next time." Gulat naman si Ateng sa sinabi ko.
"Seryoso? Sabi mo maingay si Drew diba? Ayaw pa naman ni Sir ng maingay lalo na work hours." Alanganing sabi ni Ateng. Bigla tuloy akong nag alangan kung dadalhin ko pa si Drew.
"Bahala na. Di ko pa naman dadalhin ngayon eh. Next time maybe. Batla, yung sched pala ni Sir this week akin na. Ayusin ko sa planner ko para di ko makaligtaan." Binigay naman niya ito agad kaya nagpasalamat ako sa kaniya at bumalik na sa aking upuan at sinulat na lahat ng sched ni Sir for this week. Sobrang loaded. Nagpapahinga pa kaya yun?
Winaglit ko sa isipan ko yun at inasikaso ang mga dapat isulat. Minemorize ko rin ito para kung wala ang planner ko ay kabisado ko pa rin. Sinulat ko ang tamang time at date. Ngayon ay may board meeting siya at 10:00 AM and lunch meeting ng 12:00 PM sa Diner's. Tumayo na ko at kumatok sa pintuan ng office ni sir bago binuksan. Dumungaw lang ako dahil kabisado ko na yung scged niya today.
"Sir, may board meeting ka later at 10:00 AM and lunch meeting sa Diner's at 12:00 PM." Imporma ko. Tumingin naman siya sakin at tumango bago tumingin ulit sa papeles na ansa harap niya at pumirma.
Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa mesa ko. Nag-isip pa ko ng gagawin at mukhang wala naman.
Wala pa naman kasing binibigay na gagawin sakin eh kaya pumunta muna kong Pantry at kumuha ng maiinom bago bumalik sa table ko. Tinignan ko ang table ko at kulang siya sa design kaya naman bukas ay maaga ako at lalagyan ko ng buhay ito para ganahan ako lalo mag work.
Sinilip ko ang mga drawers at may mga papers na nakasiksik pa rito. Nilabas ko lahat ito sa mesa ko at ang dami naku naman. Bakit kasi di man lang nilinis 'to? Nang malabas ko na lahat ng papers nasa drawers ay inayos ko ito at tinignan ang pwedeng magamit pa sa hindi. Halos lahat ng mga papel ay di na magagamit ulit kaya iyon ang nilagay ko sa pinakababang table. Sayang kung itatapon mamaya may maghanap pa. Patuloy lang akong naglinis at nung tumingin ako sa orasan ay 9:55 AM na. Kaya naman kinatok ko ulit si sir at dumungaw sa pinto.
"Sir, five minutes before the meeting." Imporma ko at kita ko naman na tumayo na siya kaya pumunta agad ako sa table ko at kinuha ang planner na pagsusulatan ko ng mga pag-uusapan mamaya.
Lumabas na rin si sir kaya naman sumunod ako sa kaniya kung saan siya papunta. Kinabisado ko naman ang mga daan para di ako malito sa susunod. Pagpasok naming sa meeting room ay nandun na lahat ang iba halos. Napatingin naman sila sa pagdating naming at kita ko ang gulat sa kanila nung makita ako kaya nailang ako.
"Good morning po." Sabi ko at umupo na sa gilid. Maya-maya pa nung nakabawi sa gulat ay nag-umpisa na ang meeting.