CHAPTER 1: His name

1529 Words
Tita, hindi mo sinabi sa ‘kin na may pogi ka palang pamangkin," kanina ko pa kinukulit si Tita Jenesis, ang asawa ni Papa ngayon. Pamangkin niya pala ‘yong lalaki na nakita ko sa Ed’s Shop—in short, ang crush ko. Kanina ko pa tinatanong si Tita kung ano ang pangalan nito pero mukhang balak pa ‘ko pagluhodin sa harap niya dahil hindi niya sinasabi sa ‘kin. Hindi na nga ‘ko nakisali sa mga games dahil panay ang titig ko sa lalaki. Ang pogi niya pa rin kahit nasa malayuan at kausap niya ang ibang pamangkin ni Tita. Gusto ko sanang makihalubilo ngunit nahihiya ang pantog ko. Lord, gumawa ka ulit ng paraan, oh! Nagkainan na, hindi pa rin sinasabi ni Tita Jenesis. Nang Makita ko na papasok na ‘yong mga pamangkin ni Tita at kasama iyong lalaki, pumwesto ako kung saan ang kainan dahil tiyak ako na kukuha sila ng pagkain. Nginisian lang ako ni Tita at Papa dahil sa kabaliwan ko. Ayaw ba nila ‘kong mag- asawa? "Hello, kain na." I smiled. Nagbigay pa ako ng plato dahil nakapila sila at nasa hulihan iyong lalaki. Huwag na sanang mahiya ang iba na tawagin siya, 'no? Nangangalay na ako kahahawak ng plato. "Miss, mayroon kana ba raw girlfriend?" tanong sa akin ng isang lalaki, kasama rin nila. "Wala, eh. Kaya nga tinatanong ko iyong pangalan ng nasa dulo," walang hiyang sagot ko kaya nilingon nila kung sino ang nasa likod. Narinig ko ang tawa nila Papa sa 'kin. Sa kabilang banda, ang lalaki ay gulat nang ituro siya ng kaniyang mga pinsan. Sa kahihiyan ko ay lumabas na lamang ako at nakihalubilo sa mga tao sa labas. Hindi ko pala kaya. "Kain lang po kayo, mayroon pa sa loob," ani ko sa mga matandang kumakain. "Sige lang, Hija. Mabuti hindi ka napapagod kababyahe mo," saad ni Aling Inday. "Hindi naman na. Sanay na 'ko at saka ngayon na lang ulit dahil birthday ng kapatid ko." Ngumiti ako sa matanda. Sanay naman na ako sa malalayong byahe and if I get tired, nagpapahinga lang ako sa mga mini stop. I need to exercise my arms and hands through driving. As expected, lumabas sina Papa at Tita. Tumabi sila sa 'kin at pinipigilan ang tumawa. Aba! Imbis na suportahan nila ako, tinatawanan pa ako. Namali ata ako ng pamilyang napakisamahan, huh. "Pa, para kayong sira diyan ni Tita," pansin ko sa dalawa. "Anak, natutuwa lang kami sa 'yo dahil para kang dalaga umasta sa crush mo," parang teenager na sinabi ni Papa. "Paano ko kakausapin, ayaw niyo naman ibigay sa 'kin ang pangalan!" asik ko sa dalawa. "Kaya nga kausapin mo, eh," si Tita Jenesis naman. Maya- maya lang ay umalis din sila sa tabi ko dahil may dumating na bisita kaya inasikaso nila. Nakaramdam na ako ng gutom kaya pumasok ako sa loob. Hindi ata uso ang diet sa 'kin ngayon, mukhang masarap ang pagkain sa loob. Hobby din nila Papa ang magluto kaya sila ang nagluto ng ibang handa. "Can I sit here?" I asked shyly. Walang hiya na kung walang hiya dahil lumapit lang naman ako sa crush ko. Aabutin ako ng siyam- siyam kung patatagalin ko pa, ang kaso mukhang deadma ako rito. "Karsyn, she's asking you." Kalabit ng isang babae nang hindi ako nito pansinin. Kaya naman pala naka- earphone. Napatingin siya sa akin kaya dahan- dahan akong ngumiti sa kaniya at tinuro ang katabing upuan, tumango lang siya at hindi na ulit ako pinansin. "Ganiyan lang 'yan, he came from US kaya hindi pa gaano sanay dito," sambit sa akin ng babae. "Anyway, I'm Moira!" She introduced her name to me with smile on her face. "Ako naman si Zora," nilakasan ko ng bahagya ang boses ko para marinig ni Karsyn. "Mukhang bata kapa, ah. Ilang taon kana?" tanong ko. Ang babae na ang nakakwentuhan ko habang kumakain kami dahil parang hangin lang naman ako sa katabi kong lalaki. Sinusubukan kong tumingin sa screen ng cellphone niya pero mukhang magaling siyang makiramdam. "U- uh, wait lang, Ate. Ilalagay lang namin sa kusina itong plato namin," paalam sa akin ni Moira kasama ang mga pinsan niya maliban dito kay Karsyn. It's my opportunity, though. Kaya nang tumayo na sila at umalis dalawa na lang kami ni Karsyn ang nandito sa loob. Busy din sa labas dahil ang clown ay magpapalaro na. "Hi!" I greeted, nilakasan ko ang boses ko para marinig niya. Imposible namang hindi niya marinig dahil narinig naman ng mga pinsan niya. Effective naman dahil tinanggal niya na ang nakakabit sa tainga niya. "Hey! You were the girl I saw earlier, right?" tanong niya sa akin. Kahit ang pagsasalita ng ingles ay masarap sa tainga. Ano ba 'to, mukhang iyong lalaki pa ang pa- hard to get kaysa sa aking babae, huh. "Hala, yes! You remembered me. Hindi ko alam pinsan ka pala ng kapatid ko," saad ko sa kaniya. "Oh, Karsyn... Zora at saka kayo riyan, labas muna kayo dahil magsisimula na ang performance ni Eliel," tawag sa amin ni Tita Jenesis. Ang laki pa nang ngisi niyang tumingin sa 'kin. Wala kaming ibang nagawa kung hindi ang sumunod palabas. Mabuti nga hinintay ako ni Moira kaya kasama ko pa rin sila. Ako ang pinakamatanda sa kanila, pero hindi naman halata na mas matanda ako dahil maganda at alaga ko ang mga balat ko. "You seems that you have crush on Karsyn," bulong sa 'kin ni Moira. "Hala, paano mo nalaman? Ang galing mo naman," mahina akong natawa dahil sa sagot ko. "Dahil palagi kang nakatitig sa kaniya, simula kanina pa at dahil sa sinabi mo kanina," paliwanag niya sa 'kin. I nodded. Natuon na ang atensyon ko sa kapatid na sumasayaw at kumakanta kasama ang mga kaibigan niya. Pagtapos ng performance tinawag ako ng best friend ko. "Hindi ka man lang nag- chat na uuwi ka ngayon!" singhal sa akin ni Lianah. "Boba! Alangan naman na hindi ako umuwi, eh, birthday ni Eliel. Kauuwi mo lang?" She's my best of friends since high school, palagi pa akong pinagtatakpan kina Papa kapag nale- late ako umuwi galing school. Karamay ko rin sa lahat dahil wala ring nobyo pero may ka- M.U. "Kung hindi pa 'ko nag- half day baka hindi na naman kita makita. Ano may jowa kana?" "Grabe naman 'yang tanong mo, super sweet," sarkastiko kong sagot. "Walang jowa pero nahanap ko na ang the one." I smirked on her. Niyaya ko siyang pumasok sa loob para kumain habang nanonood kami sa kalokohan ng clown-- nagma- magic kasi ito. Iyong mga bata naman aliw na aliw lalo si Eliel na todo ang sigaw. "Lianah, kain ka lang diyan. Himala natyempuhan mo siyang nandito." "Oo nga po, Tito, eh. Tinatakasan kasi ako ng anak niyo," sagot ni Lianah kay Papa. Inasikaso ko siya sa pagkain niya, sumabay na rin ako dahil nakaramdam na ng gutom. Naglagay lang ako ng upuan sa tabi, kasama ko pa rin sina Moira. Napansin ko pang napatingin si Karsyn sa gawi namin. "In fairness, ang gaguwapo ng pamangkin ni Tita Jenesis, huh. Hoy, sino pala iyong the one na sinasabi mo, ha?" "Ang daldal mo, 'te. Nakuha mo pang sumabay sa sigaw ng mga bata," sagot ko sa kaniya. Kahit todo ang pangungulit niya ay hindi ko pa rin sinabi. Hanggang sa matapos na ang program ni Eliel. Hindi ko muna pinauwi si Lianah dahil nay balak akong mag- inuman kami. "Ate, look! I have toys," masayang sambit ni Eliel kaya naman lumapit ako sa kaniya. "Wow! Marami kang nakuhang regalo, ah. What can you say to them?" "Thank you because they gave me these." He pointed- out his toys. "Kuya Karsyn!" tawag ni Eliel. Sinikap kong hindi muna umalis sa harapan niya at kunwaring nag- aayos ng mga regalo para maabutan si Karsyn na papalapit sa gawi namin. Hindi ko alam kung napapansin niya ang mga pagpapapansin ko sa kaniya o wala talaga siyang pake. "You want to play with me?" Karsyn voice. "Next time, Kuya. Some of my classmates waiting me outside to play." Nakikinig lang ako sa usapan nila hanggang sa umalis na si Karsyn sa puwesto namin kaya hinatid ko na si Eliel sa mga kalaro niyang bata. Bigla namang nawala sa paningin ko si Karsyn. Susulyap na nga lang ako sa crush ko nawawala pa sa paningin ko. Tinawag na tuloy ako ni Lianah. "Mamaya babalik ako. Uwi lang ako saglit," paalam sa 'kin ni Lianah. "Ang aga mo naman umuwi. Akala ko ba na- miss mo 'ko, ha?" "Letse, saglit nga lang 'di ba?!" Umirap pa siya sa 'kin. "Bumalik ka, ha? Tara na, hatid kita sa labas baka ma- r**e ka," pagbibiro ko. Nagbalot muna siya ng pagkain para sa kanila. Pina- shot pa kami ng alak bago makalabas. Redhorse pa ang iniinom nila, ang lakas maka- high blood. Nagpaalam na si Lianah nang mahatid ko na sa labas. Nakita ko si Karsyn sa gilid, hawak ang cellphone niya kaya naisipan kong lapitan. "Mag- isa ka rito, ah," I started. "Yeah, I can't hear my girlfriend voice inside because of the music," at doon na nga 'ko nanlumo dahil may girlfriend pala 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD