PROLOGUE: Love at first sight
Sa 'king pagdadalaga ay hindi ko pa naranasan ang pumasok sa isang relasyon-- and that's a waste of time to find; Formidable at malapit na 'ko mawala
sa kalendaryo para sa ganiyan.
Hindi ako takot magmahal sadyang wala lang akong mahanap na gusto ng puso ko. Mahirap i-attach ang sarili kung hindi mo naman gusto at pinipilit mo pa ang sarili mo. Hindi ko na gusto tapos sa pagtapos ng ilang buwan tatapusin na.
Kung maghahanap din lang ako roon na sa makakasama ko habang buhay, 'yong hindi magiging pabigat. Pasan ko na nga ang bigat sa mga magulang ko idadagdag ko paba ang sa pag- ibig?
Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw ko ng walang kasiguraduhang pag- ibig, dahil sa pagkakahiwalay ng magulang ko. Pero mas maganda iyon, dahil hindi naman na masaya-- puro na lang gulo at sakit sa ulo.
"Night out na later? Sumama ka naman para makahanap kana ng asawa," pangungulit sa akin ni Melvin, kasama ko rito sa trabaho.
Palagi nila akong sinasama sa mga club which is gusto ko rin para naman mahibang ako at saka wala talaga akong mahanap na mapapang- asawa ro'n, mga good kisser lang ang mga lalaki roon, eh.
"Oo nga, naiiwanan kana ng panahon," dagdag naman ni Harper.
"Ewan ko sa inyo! Parang hindi naman ako sumasama kung magganiyan kayo. Birthday nga kasi ng kapatid ko," paliwanag ko sa kanila kung bakit hindi ako makakasama.
Ilang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa bahay nina Papa at Tita Jenesis-- ang bago niyang asawa. Nakakatawa na mas gusto ko pa 'yon kaysa sa totoo kong ina na walang ibang ginawa kung hindi ang sumbatan at hingian ako.
"Edi bukas na lang, may irereto nga ako sa 'yo!" ani ni Melvin.
"Pagpahingahin mo naman ang bituka mo, nagrereklamo na 'yan kakainom mo!" asik ko.
Madalas ang pagpunta namin sa mga bar dahil buryo naman ako sa condo ko kaya sumasama ako o kaya ako lang mag- isa. Si Melvin ay bakla kong kaibigan na sa lalaki lang daw niya nahahanap ang kasiyahan.
Si Harper ay babae at masayang pamilyada na pero sumasama pa rin minsan sa nga night- out, hindi naman kasi mahigpit ang asawa niya.
"Hayaan mo na, Melvin. Baka roon niya mahanap ang true love niya," pagsuko sa akin ni Harper.
"Salamat naman! At saka 'wag niyo nga ako pilitin mag- asawa. Imbis na ang dumating sa akin ang makakasama ko habang buhay baka maging sakit sa ulo 'yan kakamadali niyo sa akin!" sumbat ko sa dalawa kaya naman tinawanan nila ako.
"Sus! Dry na dry na 'yang petchay mo," pang- aasar sa akin ni Melvin.
I just rolled my eyes on him and back on my screen. May trabaho kami pero may oras pa silang pilitin ako. Sa Pertacorta Corporation ako nagtatrabaho, and I'm really glad that I'm working here. Bukod sa sikat, maganda pa ang pamamalakad.
Binibilisan ko pagta- type sa computer dahil kailangan kong tapusin ang mga papeles dito sa lamesa ko, magmamaneho pa ako pauwi sa Neuva Ecija, baka maubusan ako ng pagkain.
"Aalis na ako, Harper at Melvin. Mag- ingat kayo mamaya. Huwag pairalin ang landi," pangaral ko lalo na kay Melvin.
Especially when he's in the midst of partying wala na siyang pake sa sarili niya basta makihalubilo sa mga lalaki. Kaya mas gugustuhin ko pa ang ipakilala niya ako sa kung sino- sinong lalaki para doon nakatuon ang atensiyon niya.
"Bahala ka! Sinayang mo ang madiligan mamayang
gabi!" parang kinokonsensya pa ako ni Melvin.
Naku talaga! Nagpaalam pa ako sa iba kong kasamahan bago tahakin ang daan patungo sa bahay nila Papa. I opened the audio of my car para hindi ako maburyo habang nagmamaneho.
My phone rang because someone is calling, it was my brother. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kaniya na mayroong pag- aalinlangan. Kung hindi pera ang hihingiin ay kung ano- ano ang sasabihin.
"Ano na naman iyon, Kuya Eli?" sagot ko, kalmado.
"Napakatagal mo namang sagutin 'yang tawag. Nasa landian ka na naman siguro," pag- aakusa sa akin ni Kuya.
Ang tanda ko na pero kung pagbawalan ako para naman akong teenager nito. Eh, ano naman kung lumandi ako? Ayon na nga lang ang puwede kong paglibangan, para maibsan ang inis ko sa kanila.
"Tumawag kaba para sa ganiyan? Kasi papatayin ko na, nagmamaneho ako," padarag kong sagot.
"Naku, Belen! Ang bastos mo naman sa Kuya mo! Ako ang nag- utos na tawagan ka... ipapaalala ko lang sa 'yo na hindi ka puwedeng pumunta sa demonyo mong Tatay," inis na sigaw ni Mama sa kabilang linya.
I heaved- out a sighed. Lagpas isang dekada na silang hiwalay pero heto si Mama, pasan pa rin ang galit niya. Kung hindi naman kasi siya ang unang nagloko hindi siya lolokohin ni Papa.
Pinatay ko na ang tawag pagtapos mapakinggan iyon. Ayokong makipagtalo habang nagmamaneho at baka mabangga ako. Matanda na ako pero kung pagbawalan ay parang bata pa.
Huminto ako sa cake's ed shop para bumili ng cake sa kapatid ko. Sakto naman na nakatanggap ako ng text mula kay Tita, magsisimula na raw ang party.
"Ahhm," boses sa 'king likuran.
"I will end this call. Mamaya na ulit," saad ko kay Tita bago pinatay ang tawag. Lumingon ako sa likuran ko, parang gusto ko na lang maghubad sa harapan ng lalaki na ito.
I've never been enthralled with a man, maliban sa lalaking kaharap ko na katangkaran at mayroong maputing kulay, he's wearing sunglass. He had clean cut with ash brown hair color.
"Uh... hi! I'm sorry." Ngumiti ako sa kaniya ngunit tumango lamang siya sa 'kin.
Snobber! Pagtapos ay pumasok na rin siya sa shop, sakto roon ako bibili. god! Kung kailan tumanda na roon pa lalandi. Tama nga sila, walang pinipiling edad ang paglandi. At saka 29 pa lang naman ako, makahahabol pa sa panahon.
Pumila siya sa counter, even his small gesture made me to look at him-- I'm being fascinated. Sumunod ako sa kaniyang likuran bago pa ako maunahan. Sana matulak ako ng nasa likuran para naman madikit ako rito sa lalaking ito.
Nakukuha niya ang atensyon ng mga tao, kahit ang cashier, imbis na asikasuhin nakuha pa ang tumitig.
Why Am I sounds jealous girlfriend? Tsk, hindi kana stranger sa 'kin sa susunod.
"Hello ulit! Puwede mo ba 'kong isabay? Nagmamadali na kasi ako." Sumingit ako sa usapan ng lalaki at 'yung cashier.
I saw his lips pursed dahil sa pagsingit ko, ang babae naman na nasa harapan ay sumama ang timpla ng mukha. I looked at to him and acted na talagang nagmamadali ako.
"I guess, you can order first before mine. I can wait," kahit ang pagbigay niya sa 'kin nang hilaw na ngiti ay nakahuhulog na rin ng panty... puso pala.
"Oh! I'm just joking. Ikaw na, dito na lang ako sa likod mo."
He sighed before he turned his back on me at humarap na sa kahera. Akala ko pa naman ay pagkakataon ko nang maka- moves. May araw ka rin sa 'kin.
"Bye!" I jolly said for him dahil aalis na siya.
Nakaalis na siya lahat- lahat hindi pa kami nagkakaroon ng mahabang usapan. Nang ako na ang humarap sa kahera, sumama ang mukha nito sa 'kin. Kaya ganoon din ang ginawa ko at hindi na kinuha ang sukli bago siya tarayan.
Ano'ng tingin mo, papayag ako na ganyanin? Aba! Asa ka.
Hindi pa rin maalis sa mukha ko ang itsura ng lalaki, hindi ko man lang nakuha ang pangalan. Lord, tumatanda na 'ko, balato niyo na sa 'kin ang lalaki na 'yon.
I drove looks crazy, imagining the man I encountered. I've never been fascinated, kung kailan tumatanda na 'ko saka pa nagpakita. Gosh! Mukhang kailangan ko umuwi rito sa Nueva Ecija para makita siya, ha.
At saan ko naman siya hahagilapin? Bahala na si batman. Nang dumating na 'ko sa tapat ng bahay nila Papa, naririnig ko na ang ingay ng kantahan at ang boses ng mga batang nagsasaya.
10th Birthday, Eliel
Ngumiti ako sa mga kapitbahay na napansin ang pagpasok ko sa bakuran kung saan ginaganap ang birthday ni Eliel.
"Para namang hindi ka tumatanda, ganda- ganda mong dalaga... iyan ba ang walang nobyo?" nakalolokong ani nito sabay halaklak.
"Naku! Ang ganda ko ay para sa forever na relasyon, 'te Lisa!" sagot ko at nagpaalam na para pumasok sa loob ng bahay.
Nakita ko si Eliel, ang kapatid ko inaayos ang kaniyang damit dahil magsisimula na ang party niya, kaya lumapit ako at inabot ang regalo kong binili. Agad siyang yumakap sa 'kin nang makita ako.
"Ate, you came! Mommy told you were not able to come because you're busy," sambit sa 'kin ni Eliel.
"Anong busy? Basta birthday ni bunso hindi busy si Ate, noh!" Hinalikan ko siya sa pisngi at ganoon din ang ginawa niya.
He looks like Papa, ang tangos ng ilong at ang hugis ng mukha ay kuhang- kuha. Even his skin tone like mine. My baby is growing up.
"I'm sorry, I'm late. Is the party done?" the male voice came from the door as Eliel ran towards him kaya napatingin din ako.
I looked at him and my eyes widened, siya 'yung nakita ko sa Ed's Shop. Hindi talaga ako pinabayaan ng tadhana, akalain mo nga naman na makikita ko siya sa pamamahay ng Tatay ko.
Sa tingin ko, tama na ang pagiging mag- isa. Kailangan ko na ng kasama-- at iyon ay ang lalaking kaharap ko.