At kagaya ng advice sa akin ng mga friends ko, nagpabili ako ng bagong phone. Nilubog ko talaga sa bathtub ang iPhone and smashed it on the wall para sure na wala na siyang chance mabuhay. Kaya no choice si Momsicle na bilhan ako ng bago, kahit bago pa yung phone kong aksidenting nasira. Wolf: Do you like your new phone, baby? 🤨 Napasigaw ako sa unan ko in frustration. Sino ba ang nagsuggest na magpalit ako ng bagong phone? Sayang mga pictures ko dun, at mga BL videos na nai-download ko na. Hindi ko pa napapanuod yung iba. Me: Gagô ka… Sino ka ba talaga? Ang pangit ng emoji mo. Wolf: 😚😘 Are these better? ‘Gagông to ah.’ Yung takot ko na may stalker ako ay biglang napalitan ng inis dahil sa paraan niya nang pagre-reply. Hindi ko napansin, nakangiti na pala akong nagta-type ng repl

