“Girlfriend, inggit na inggit na ako sa iyo. Parang gusto ko ng magkaroon ng sarili kong stalker,” nakabusangot ang mukha ni Simon habang yakap yakap ang four feet Teddy Bear na natanggap ko mula sa aking one and only stalker. Today is our Fourth Year High School Valentine’s Day. At kagaya ng nagdaang dalawang taon, Wolf a.k.a Askal, sent me a surprise again. Wala pa ring palya ang pagpapadala niya sa akin ng gifts sa bahay, but his Valentine’s gift are always special. Char special. Kasi imbes na sa bahay, he sends it to school. His first Valentine’s Day gift was three full baskets of imported heart-shaped chocolates. Hindi ko pa maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil sa pangangantyaw sa akin ng mga classmates ko sa section six. Habang marami ang natuwa because of course I sh

