Pagkatapos ng kaguluhang nangyari sa buhay ni Jazz, para ma pacify si Hao, the Toheyamas and Casanovas decided that she will go with him back to France.
Ayaw kasing umalis ni Hao ng Pilipinas nang hindi siya kasama at hindi siya pweding mamalagi rito dahil kay Silvia sa takot nina Tita Angel na baka tuluyan na nga niya itong patayin.
And like the glue that keeps our friendship together, pagkatapos ng first-year college school year namin, kinailangan ring umalis nina Simon pabalik ng Russia and Yui sa Japan naman.
At naiwan naman kami ni Vonn dito sa Pilipinas.
Kumatok ako sa pinto ng silid nina Moms at Pops, balak ko sana silang kausapin kung pwedi ba kaming sumunod papuntang France.
Ilang araw pa lamang nakakaalis ang mga friends ko, pero para na akong mababaliw sa pagka-miss sa kanila.
Although gabi-gabi naman kami nag bi-video call.
Hindi ko na hinintay na papasukin nila ako sa kwarto, agad ko ng binuksan ang pinto at pumasok.
Naabutan ko silang dalawa sa kama.
Buti na lang at wholesome ang ayus nila.
Muntik pa akong magsisi na pumasok ako agad agad.
“Parents? May problema ba?” Nag-aalala kong tanong sa kanila ng mapansin ko ang pamumugto ng mata ni Moms habang hinahaplos ni Pops ang likod niya.
Agad akong lumapit sa kanilang dawa.
“Huwag nyong sabihing maghihiwalay na kayo?” Pabiro kong tanong, pero may lungkot sa aking boses sa naisip na iyon.
“Sira, hindi kami maghihiwalay,” sita ni Moms sa akin.
“Buntis ka? Diba menopause ka na?”
Natawa naman si Pops sa tanong ko.
“San ka ba nagmana sa kabaliwan mo?” Pinanlakihan ako ni Momsi ng mata. I just rolled my eyes on her.
Nagtatanong pa talaga siya kung saan ko nakuha ang kabaliwan ko?
“Saka, hindi ako buntis… Pero nireregla pa ako!!! Wala pa akong forty.”
“Yuck… Too much info mother dear,” nakangiwi kong sabi sa kanya.
“Gaga ka talaga. Magtatanong tapos too much info.”
Nagpaka-Jollibee ako at umupo sa gitna nilang dalawa.
Bahagya namang umusog si Pops para hindi ako masyadong mapisa sa kanilang dalawa ng sumali ako sa yakapan nila.
“What’s wrong?” Seryuso kong tanong sa kanya.
Ang tapang kaya ng nanay ko, miminsan ko lang siyang makitang umiyak, kaya naman nag-aalala talaga ako kapag ganoon.
Nagkatinginan silang dalawa.
“Parents, huwag nyong sabihing ito na yung time na aaminin nyo sa akin na hindi nyo ako anak?”
“Heh, kung hindi lang ako gising noong iniri kita, baka nga hindi kita anak. Ni hindi ko nga tiningnan picture ng popsi mo, pero siya ang kamukha mo!” Sabi ni momsi at inirapan pa ako.
“So meaning, mukha akong lalaki, ganoon?”
“Hay naku, ewan ko sayo amour,” natatawang sabi ni pops. “I will leave you two alone para makapag-usap kayo ng Moms mo. But be serious and keep an open mind, okay?”
Hinalikan niya kami ni Moms sa pisngi bago lumabas ng silid nila.
Lalo tuloy akong kinabihan sa sinabi ni Pops.
Keep an open mind?
“Moms?” Seryuso kong tawag sa kanya ng hindi pa rin siya magsalita kahit ilang sandali na ang lumipas ng lumabas si pops.
Napabuntunghininga siya at hinawakan ang magkabila kong kamay.
“I lied to you,” pagsisimula niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok. “Hindi totoo na orphaned ako… Ang totoo nyan love, buhay pa ang mga magulang ko, ang lolo’t lola mo… And I am also not an only child… Actually, I have a twin.”
Gusto ko man magtanong, hinayaan ko muna siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin.
I would have a lot of time to ask questions later anyway.
“At si Nana Agring, hindi ko siya tiyahin. Well she is, pero malayong tiyahin ko na siya. My great grandfather and her grandmother are siblings.”
Wow ha, na trace pa talaga nila yun? Pero hindi pa rin ako nagsalita.
“I was born and raised in Negros Oriental, in Dumaguete. It’s a small city in Visayas. At naglayas ako sa amin, when I was eighteen. May boyfriend ako noon at nabuntis niya ang twin sister ko na si Aleza.”
Nanlaki ang mga mata ko. Pangako sayo ba to?
Ay, hindi pala magkapatid si Amor at si Madam Claudia.
“Sabi ni Rigor, my ex-boyfriend,” napangiwi ako sa pangalan ng ex ni moms, Rigur.. ewww, “aksidente daw ang nangyari.”
“Accident?” Hindi ko na napigilang mag react. “Ano yun? Nadapa siya naked on top of your sister, tapos hindi sinasadyang nilabasan?”
Natawa si Moms sa ekspresyon ng mukha ko.
“Diba?” Gatong naman niya sa sinabi ko. “But anyway, continue with my story, hindi ako nakipag-break sa kanya.”
“Hindi ko alam na martyr ka?”
“Hindi ako martyr, pride ko na lang pinairal ko noon! Alam mo kasi love, simula ng mga bata pa kami, lagi na lang akong nagpapaubaya kay Aleza… From toys, dresses, mga gamit sa school, pati sa school na papasukan, lahat siya ang nasusunod… So I decided not to give in to her, after all niloko nila ako diba… I wanted to get even.”
Grabi naman pala ka spoiled brat ng kambal ni Moms.
“Pero nagwala siya ng hindi ako pumayag na makipaghiwalay kay Rigor. Sabi ko, pwedi naman nilang i-support lang ang bata. Dahil sa pagwawala niya, muntik na siyang makunan. At ako ang sinisi nila sa nangyari.”
“You became the villain in your sister’s story,” naawa kong sabi sa kanya.
“Yes, pero ayaw kong ako ang bumitaw. So I told them na kung gusto nilang ituloy ang pagpapakasal gawin nila, but the moment they do, I will leave at hindi na nila ako makikita kahit kailan.”
In short, they did, kaya napadpad si Moms sa Manila. Hindi ko pa man nakikita ang kambal niya, parang gusto ko nang murahin. Pero dapat thankful ako sa kalandian niya.
At least, dahil sa kanya, si Pops ang tatay ko. Kung hindi niya nilandi ang ex ni Moms, ang pangalan ng tatay ko ay Rigurrrr… Omj.
“So why are you crying? Huwag mong sabihin na deads na si Rigur kaya ka umiiyak? Do you still love him?”
“Hindi ah… Mary Immaculate, matagal ng mapanghi ang amoy noon sa akin noh… Sabi ko nga diba, pride na lang pinairal ko… Saka Rigor, hindi Rigur.”
“What’s the difference?” I rolled my eyes, laughing.
“Ikaw talaga… Pero kaya ako umiiyak, kasi your Tita Aleza contacted Nana Agring through f*******:, and told her na naospital ang lolo mo, and he is in ICU since yesterday.”
“Moms,” I hugged her when I saw tears forming in her eyes again.
“Okay, naman na daw siya, but he still needs to stay in ICU for a few days… Your Pops and I know that your planning to go to France para doon mag-aral na. At hindi ako tutol doon. Pero love, gusto ko kasi sanang umuwi sa Dumaguete, para makasama ulit ang mga Lolo’t Lola mo. Ayaw ko namang mawala sila nang hindi kami nakapagpatawaran. Kaya hindi kita masasamahan sa France.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
Kilalang kilala na talaga niya ako. Hindi pa nga ako nagsabi, ay alam na niya agad ang plano ko.
“Moms, kung uuwi ka sa province, then I want to go with you.”
“Sure ka? But how about France?”
“It’s fine. Pwedi naman tayong magbakasyon doon kapag okay na kayo nina Lolo and Lola diba? Saka isa pa, with Pops being busy with the Smart City Project since wala si L dito, I’m sure papabantayan ka rin noon. Takot lang nun na balikan mo ex mo.”
“Heh, baka marinig ka, at baka hindi na pumayag na umuwi tayo doon.”
Nagkatawanan kaming dalawa.
At mukhang nag-usap na din pala sila ni Nana Agring, dahil kinaumagahan mismo ay naghanda na kaming umuwi sa province ni Momsicle.
Sasabay na kami kay Pops na pupunta rin ng other part ng Negros kung saan kasalukuyang dini-develop ang Smart City.
“Good luck, imp,” nakangiting sabi ni Vonn.
Nasa Eagle’s Empire Building kami ngayon, dahil nandito ang chopper na sasakyan namin papunta sa Negros.
And he is here to say goodbye.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Actually, napangiwi ako dahil andito siya, period.
“Did you eat spoil food last night? Anong nakain mo at nandito ka, masochist?”
Kinonyatan niya ako.
“Why don’t you just accept my well wishes, imp?”
“Gagô ka. Tatanggapin ko lang yan, pag sumali na ako sa Miss Universe,” pinanlisikan ko siya ng mata.
“Ako una mag-bash sa iyo pag sumali ka. Ipapahiya mo pa ang Pilipinas,” nakangiti niyang alaska.
“Amour, let’s go,” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ni Pops.
“I text mo na lang sa akin yang sasabihin mo,” nakangising sabi ni Vonn.
My gosh, hindi pa ako nakaganti ng pang-aalaska sa kanya. Baka hindi ako makatulog nito.
“Ingat sila sa iyo, imp,” aniya at kinabig ako ng yakap.
“Talaga!” I hugged him back. “Magpakabait ka rito. Baka porke’t wala kami rito at lalo na si Jazz, magwala ka. Behave.”
“Behave ako… Sabihin mo yan sa sarili mo.”
I stuck my tongue out towards him, bago naglakad para makasakay na sa chopper kung saan nakasakay na sina Moms at Nana.
Huling sumakay si Pops.
I waved him goodbye, and he waved back.
I really hoped he was going to be okay.
Lalo pa at hindi niya makakasama si Jazz ng matagal.
Dahil kailangan niyang mag-train sa pagmamanage ng negosyo nila habang nasa America ang kuya niya, he has to stay here. And he is alone.
Sapat na sa kanyang makasama si Jazz at maipakita niya rito ang pagmamahal niya kahit walang kapalit, but now that she is continents away, sana ay maging okay lang siya.
At sana, mahanap na niya ang babaeng mapaglalaanan niya ng pagmamahal at susuklian ang pagmamahal niya.
Mahigit isang oras lang ang nilipad nang chopper at nakarating na kami ng Dumaguete.
Dumiritso na kami sa Silliman University Medical Center, the most advanced hospital in the province, kung saan naka admit si Lolo.
Pero hindi na sumama sa amin si Pops.
Titingnan lang daw muna niya at titimplahin ang pagsalubong sa amin ng family ni Moms.
Parang kape lang.
But the truth is, dahil sa SCP, kilala si Pops ng mga politicians sa province. Gusto ni Moms na tahimik lang muna ang buhay habang nandito kami.
So isa muna siyang malaking sekreto.