Chapter 3 - Lexi

1767 Words
A/N: SPay - Digital Wallet ng State Inc. 😉Ipalit po natin siya sa Gcash. “Nay,” tawag ni Moms sa isang babae na kaedaran lamang ni Nana na nakabantay sa loob ng ICU. Maliban sa nurse na nasa loob rin at sa pasyente, nag-iisa lamang ito doon. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagdating namin dahil nagulat pa ito. “Alexa,” mahinang balik tawag niya kay moms. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya bago ito lumapit at yumakap. “Mabuti at umuwi ka na anak.” Pinunasan ng panyo ni moms ang luhang tumulo sa mga mata ni lola. “Kasama ko po si Tiya Agring at ang anak ko, nay,” sabi ni moms at nilingon kami ni Nana na naka tayo sa likuran nila. Umiiyak na rin si Nana. “Ate Agring.” “Talia,” tawag ni Nana sa kanya at nagyakap rin sila. Mukhang maa-out of place pa ata ako. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumingin sa akin si Lola at ngumiti. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. Sa kwento ni Moms, ay akala ko strikto siya. Pero mukhang hindi naman. Or siguro dahil sa edad ay nawala na ang ka striktohan nito. She’s a retired public school teacher. “Nay, si Alexindrea po. Anak ko,” pagpapakilala ni Moms sa akin. “Lexi ang palayaw niya. Love, si lola Anatalia mo.” “Hello po, Lola.” Nabigla ako ng yakapin niya rin ako ng mahigpit. Medyo ilang ako, kasi ngayon lang naman kami nagkita, pero gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. “Ang ganda mo naman apo,” sabi niya. Well, hindi ko naman yun pweding ikaila. “Afam ba ang tatay nito?” “Afam?” Nagtataka kong tanong. “Foreigner,” nakangiting sagot ni moms. “Ah!” Ngayon ko lang narinig ang word na yun. AFAM. Sa Tondo dati, tawag sa mga foreigner is expat. Yun kasi ang tawag nila sa akin, anak ng expat. “Kakapahinga pa lang ng tatay mo. At isa lang kasi ang pwedi magbantay dito sa loob, kaya bakit hindi muna tayo lumabas? Doon tayo sa seven eleven para makakain na rin,” lola explained nang maalalang nakatayo lang kami. “Okay lang bang iwan si tatay muna?” “Oo. May nurse naman.” Nagpaalam muna si lola sa nakabantay na nurse sa ICU bago kami muling lumabas ng silid at bumaba ng building para magtungo sa isang convenience store sa mismong compound ng ospital. Pagkatapos naming makaalis ng Tondo, ngayon na lang ulit ako nakapasok ng convenience store. Nakakamiss din pala. At ngayon na lang ulit ako nakakain ng mga instant foods. Dahil sa sobrang exited ko na nakapasok ulit ng convenience store, kung ano ano na lang ang kinukuha ko. The prices are cheap anyway. “Can I also get a sundae, please,” ang sabi ko sa lalaking casher. Namumula pa ang mukha ni kuya na nakatingin sa akin. Mukhang crush pa ata ako. Agad kong sinimulang kainin ang sundae ng iabot niya sa akin iyon at nagsimula naman siyang mag punch sa mga binili ko. Iba pa rin talaga ang lasa ng instant sundae. Lasang nakakataba, pero masarap. “Two thousand five hundred thirty two pesos po lahat maam,” sabi ni kuyang casher pagkatapos. Sa dami ng kinuha kong chocolates, chips and drinks, hindi pa umabot ng three thousand ang price. Habang sa SDA, one thousand ang presyo ng bottled water. Inabot ko sa kanya ang credit card ko. Napakamot naman siya sa ulo. May kuto pa ata si kuya. “Ganda, hindi kami tumatanggap ng card eh. Cash lang tinatanggap namin dito. Pwedi rin SPay.” “SPay? I don’t have that.” What’s SPay? “Wait lang kuya. Manghihingi lang ako ng money sa mommy ko. They’re just outside oh. You can see them from here.” Napa explain pa ako dahil baka hindi siya pumayag. Malapit ko nang maubos yung sundae, tapos hindi pa bayad. Lerd jesaz. “Sige po.” Buti na lang at wala namang ibang customer sa loob, kaya siguro siya pumayag. Dalidali akong lumabas at lumapit kina moms na nag-uusap na. “Momsicle,” mahinang tawag ko sa kanya ng makalapit. “They don’t accept cards.” “Wala kang cash?” Tanong niya at umiling ako. “Diba sabi ko sayo, magdala ka lagi ng cash. Mukhang mauubos na yang sundae mo, hindi pa bayad.” “Momsi, nakakahiya. Help me na,” napahawak pa ako sa braso niya. “Ako na,” natatawang sabi ni Nana at tumayo. “Kasi, next time, magdala ng cash.” “Promise… Next time, magdadala na ako.” Hindi naman kasi uso magdala ng cash sa amin noh. Ang dirty kaya ng mga money. Kung sino sino humahawak, baka yung iba, humawak pa sa singit nila bago nagbilang ng pera. “Magkano hijo?” Tanong ni Nana kay kuyang casher ng muli kaming makapasok. Inulit naman ni kuya ang total price ng pinamili ko. Nag-abot si Nana ng three thousand. Kinuha ko na ang plastic na pinaglagyan niya. “Nana, let him keep the change,” sabi ko sa kanya ng hinintay pa niya ang sukli. “Anong keep the change, wala ka ngang pera, magpapakeep the change ka pa.” Wow! That was so below the belt. I could not even retort because it was true. Napalabi na lamang ako, dahil wala akong masagot. “Oh. Bakit nakasimangot?” Tanong ni Moms ng makaupo kami sa mesa. “Gustong ipa-keep-the-change ang sukli,” nakangiting sagot ni Nana. “Wala ka ngang pera,” nakataas ang kilay na sabi ni moms. Inulit pa talaga. My gosh. Mahirap na ba ako? Kasalanan ko bang hindi sila tumatanggap ng credit card? Nagsimula na silang mag-usap ulit habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Sumasagot naman ako kapag tinatanong ako ni Lola. Pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapak sa mga chips and chocolates na binili ko. Hello, susulitin ko talaga ang mga ito noh. Napahiya kaya ako. Magwiwithdraw na talaga ako ng cash. But there is a problem. May debit card ako, at alam ko naman na may laman yun. Kaso hindi ko pa yun nagagamit kahit isang beses simula ng ibigay ni pops sa akin yun. Hindi ko nga alam kong ano ang PIN noon. Kinuha ko ang iPhone ko and iMessage pops. Me: Popsicle, what’s my debit card PIN? 😊 Popsicle: Why do you ask me? Me: Because you’re the one who gave it to me. 🤨 Popsicle: Did you not change the PIN? Me: I’ve never used it. 🤭 Popsicle: Mon Dieu, mon amour. Baka nag expire na yung card mo. Check it first. And why do you ask about it? Where’s your credit card? Me: Momsi said I need to bring cash with me. I just bought food in the store, and they do not accept cards.😞 Agad kong kinuha ang debit card sa wallet ko. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ang expiration date. Me: It’s going to expire this month. 😱 Popsicle: Tell Momsi to give you cash for now. I’ll send you a new one in a few days. 😘 Me: 🫵🦸🫰 Popsicle: I don’t know what it means, but I love you too, amour. Ipinakita ko kay momsi ang message namin ni pops. Tinaasan nya ako ng kilay and rolled her eyes. “Nasaan pala ang mga gamit nyo, anak?” Narinig kong tanong ni Lola. “Nasa Bethel, nay. Doon po muna kami habang naghahanap ng matitirahan. Dito na rin po kasi muna mag-aaral si Lexi.” “Mahal doon ah… Naalala mo ba yung bakanteng lote sa harap ng bahay natin dati? Nabili yun nina Mercy nang makapangasawa siya ng afam. Pinatayuan ng apartment. Mas maiging doon na lang kayo, kung gusto nyo? O may balak ka bang bumili ng bahay at lupa rito?” Parang may na fe-feel akong kakaiba sa way ng pagtatanong ni Lola, pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Baka ganoon lang talaga siya magsalita. “Hindi ko pa alam nay. Dependi sa papa ni Lexi. Napaka strict kasi noon pag-usapang bili ng properties, daming kailangan i check. Kung secured ba at kung accessible ba. Hindi rin naman kasi ako makakapaglabas ng pera ko ng ganun ganun na lang. Medyo strikto kasi yun pagdating din sa pera. Daming tanong kung saan at ano ang pinaggamitan ng pera at lumagpas sa monthly budget. Kaya madalas, isang sabi lang ako. Pag umoo, mabuti, pagdami pang tanong, ay hindi na ako nangungulit.” Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Kailan pa naghigpit sa pera si Pops? “Awww,” napa aray ako ng maramdaman ang mabining kirot ni Nana sa legs ko. “Na paano ka apo?” “Baka nakagat ng lamok,” sabi ni Nana bago ko pa man masagot si Lola. “Sabi ko naman kasi, huwag mag short short.” Pinandilatan pa niya ako ng mga mata, pati si Moms ay pinandilatan din ako. May usapan ba sila na hindi ko alam? “Nako apo, baka magkapiklat ka,” nag-aalalang sabi ni lola. “Magkano naman daw po ang upa doon nay?” Ibinalik ni Momsi ang topic para makuha ang atensyon ni lola. “Kinsemil ata. Pero pwedi naman natin yun tawaran. Kapitbahay naman. Pero kung dito mag-aaral si Lexi, mas maigi kong bibili na lang kayo ng bahay at lupa rito. Alam ko nga pinagbibili ni Ingrid yung bahay at lupa nila, dahil aalis na patungong Australia. Baka gusto mong ikaw na ang bumili. Sabihan mo ang asawa mo. Nasaan nga ba ang asawa mo? Hindi nyo ba kasama?” “Nasa Occidental nay. Isa kasi siya sa namamahala sa pagpapatayo ng Smart City. Total naman isang probinsya lang, kaya sinabi ko sa kanya na dito na lang kami. Saka mas magandang sa Silliman mag-aral si Lexi,” sagot ni moms. “Huwag kayong mag-alala nay. Kapag naka-settle tong apo mo rito, at nagustuhan niya rito, sasabihan ko. Nakasalalay kasi sa mood ng apo mo kung bibili yun ng properties dito. Kasi sure naman akong hindi sa akin ipapangalan ang bibilhin niyang property, kundi dito sa maldita mong apo. Sa ngayon, yung kalagayan muna ni tatay ang pagtuunan natin ng pansin." “Okay lang anak. Naiintidihan ko. Saka laking pasasalamat ko na andito ka na. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan kukuha ng pera para sa bayarin sa ospital. Kapiranggot lang naman kasi ang pension ko. Nag lump sum kasi ako pagka retire dahil gusto ni Alyana na sa Silliman mag-aral.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD