Since Lola insisted, kinuha namin ang mga maleta namin sa hotel at sumama sa kanya pauwi sa bahay nila.
Sa bahay na kinalakihan ni Moms.
“Kunti lang ba ang gamit nyo?” Tanong ni Lola habang nag-checkout si Moms.
Hindi man lang kami nakapagpahinga.
“Opo, nay. Tig-iisang maleta lang po ang dala namin. Kasi nga po biglaan ang uwi namin dito. Bibili na lang kami kung sakali.”
“Eh yung bahay nyo sa Maynila? Sino ang namamalagi roon ngayon?”
“Ang mga kuya po ni Lexi. Mga step sons ko po,” napatikwas ang kilay ko nang marinig ang walang gatol na pagsisinungaling ni Moms.
Maliban sa mga helpers, wala naman kasing ibang tao roon.
“Mabait naman ba ang mga anak-anakan mo? Hindi ka naman binibigyan ng sama ng loob?”
Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang sakay kami ng pedicab.
Para siyang tricycle, pero mas malaki sa tricycle.
Na shock pa nga ako kanina kung ano ang sasakyan namin, dahil wala akong makita kahit isang taxi from the hospital.
Mula kasi sa hotel, ay hinatid lang kami ng hotel van sa hospital.
Maliit lang ang city. But it’s a developing city, kaya marami na rin ang mga establishments.
Traffic na rin. But unlike sa Manila na mga cars ang caused ng traffic, mas marami rito ang gumagamit ng motor bikes.
Hindi pa naghe-helmet ang karamihan.
At pansin ko rin na walang traffic lights. Kanya kanyang jay walking ang mga taong nakikita ko.
Good luck na lang sa akin na hindi marunong tumawid sa daan.
Our destination is a Barangay called Calindagan.
Bago namin marating ang barangay na sinabi ni Lola sa driver, nadaanan namin ang Robinsons mall.
I’m so glad there is Rob here. At least hindi ako mabo-bored just in case. And I am so glad na malapit lang ang mall sa bahay nila Lola.
“Love, pagpinasok mo ang daan na to, you will find my High School.” Tinuro niya sa akin ang isang daan.
Mga ilang minutes pa ay lumiko na rin kami sa isa pa.
Nagpalinga linga lang ako sa dinadaanan ng pedicab. Kinakabisado ang daan papunta sa bahay nina Lola. Mahirap na, baka mawala pa ako.
A few more street corners at huminto na ang pedicab.
“Baba na, apo,” sabi ni Lola.
Nagbigay si moms ng one hundred pesos sa driver.
Was that even enough?
“Halika na, apo. Alam kong pagod kayo sa byahe at nang makapagpahinga.”
“Lola, I’ll carry it na po,” sabi ko sa kanya ng siya mismo ang humila ng maleta ko. “It’s a little bit mabigat.” Dagdag ko at baka ma offend pa siya.
Mukhang hindi naman siya nagalit at nakangiting ibinigay sa akin ang maleta.
Sinundan ko sila nang pumasok sila sa isang makipot na daan. Napansin ko ang iilang mga tao na nasa labas at nakatambay.
May mga nag-iinuman at ang iba may mga hawak na manok.
“Nang Talia, kinsa na imong kuyog?” Narinig kong tanong ng isa sa mga lalaki na nag-iinuman.
Hindi ko naman na intindihan ang sinabi niya.
I almost forgot they speak Cebuano here, and I do not have any clue how to speak the dialect.
“Kasabot ba si Lexi ug bisaya?”
“Hindi, nay. Tagalog lang alam niyang salitang Filipino,” ang sagot ni moms. Mukhang nakakaintindi pa rin naman siya ng Cebuano, pero hindi na siya sanay.
Halos twenty years din siya sa Manila at ngayon lang ulit naka uwi.
“Tagalog lang mga silingan. Kay dili kasabot akong apo,” sabi niya. Tagalog at apo lang naintindihan ko. “Si Alexa, yung panganay ko. Tapos ito naman si Lexi, apo ko. At si Ate Agring, nakakatandang pinsan ni Manong Noel nyo.”
“Oy, ikaw na pala yan Alexa? Ka gwapa ba oi. Parang di man tumanda.”
“Nakakahiya naman manang Helen, pero salamat.”
“May chocoleyt kaba dinha. Baka pwedi mo kaming hatagan.”
Gusto kong tumawa sa paraan ng pagsasalita nila, pero pinigilan ko. Grateful naman ako na kahit nahihirapan sila, ay sinusubukan nilang mag Tagalog para maintindihan ko sila.
“Pasensya na po manang Badang. Madalian po kasi ang pag-uwi namin dahil sa nangyari kay tatay kaya wala kaming dalang pasalubong. Sa susunod na lang po.”
“Momsi, I have chocolates,” I told her and showed her the plastic bag from 7-Eleven.
Napangiti naman siya at inabot ang plastic.
“Ito na lang po muna. Pero galing seven eleven lang yan,” at ibinigay niya ang plastic doon sa nagngangalang Badang.
“Oh sige, Badang, maya na lang kayo mangumusta, di pa kasi nakakapagpahinga eh. Dumiritso kasi ng ospital.”
“Yàwa, ka putia bai. Murag barbie,” narinig kong mura ng isang lalaking nakikipag inuman nang muli kaming maglakad.
Hindi ko na lamang pinahalata na naintidihan ko kahit papaano ang sinabi niya.
Mukha naman talaga akong real life version ni Barbie noh.
Huminto kami sa pang-apat na bahay.
Malaki iyon kung ikukumpara sa ibang bahay na nadaanan namin, pero hindi nga lang napinturahan.
Nagkagulatan pa si Lola at isang may katabaang lalaki na nagbukas ng pinto.
“Ay ma. Nauli na diay ka,” sabi ng lalaki.
Napatingin ito sa amin at natigilan ng makita si Moms.
Mukhang may idea na ako kung sino ito.
“Alexa?” Parang hindi makapaniwalang tawag niya kay Moms.
“Rigor,” bahagya lang tumango si Moms sa kanya.
I knew it. Si Rigur nga.
Hindi naman sa pang-iinsulto no. Pero anong nakita ni Moms sa lalaking ito at pinag-agawan nila ng kapatid nya?
Lamang ng isang daang paligo naman si Pops ko rito.
Saka mukha nga siyang mabantot.
Sorry, Lord.
“Qu'avez-vous vu en lui? À quel point vos normes sont-elles basses?”
Pinandilatan niya ako ng mata matapos ko siyang tanungin kong ano ang nakita niya sa lalaking ito? At kung gaano ba ka low ang standards nya dati?
“Ano yun, Apo?” Tanong ni lola sa akin.
“Wala nay. Tinatanong lang niya kung dito ba kami titira,” sagot ni Moms.
Abogada nga talaga ang nanay ko, ang galing niyang magsinungaling.
Pero tumango pa rin ako sa sinabi niya bilang pag-sang-ayon.
“Mga ilang araw lang apo,” nakangiti siyang humarap sa akin. “Ito yung apartment ni Mercy na sinasabi ko sa inyu kanina.”
Itinuro niya ang katapat na gate.
It’s a two-door, two-story apartment.
“Mamaya pagdating ng pinsan mong si Alyana, hihingin natin ang number ni Tatiana. Siya yung anak ni Mercy, para makapag-usap kayo tungkol sa upa,” paliwanag nito. “Pero sa ngayon, pumasok muna tayo ng bahay para makapagpahinga kayo. Rigor paagia sa gud me.”
Siguro ay pinatabi niya si Rigur dahil umalis ito mula sa pagkakatayo sa pintuan.
“Nasan pala si Aleza?” Tanong ni Lola rito ng makapasok na kami. Pinagpag ni lola ang sofa at inaya kaming maupo.
Pinasadahan ko ng tingin ang first floor ng bahay.
Malaki siya tingnan sa labas, pero masikip siya sa loob. Dahil siguro sa mga unnecessary things na nasa loob.
Pagkapasok ng pinto ay sala na agad. At ang partition na ginamit sa sala at sa kusina ay TV cabinet. Sa tabi ng sala ay isang makeshift na kwarto.
Halatang ginawa lamang iyon since it’s only made of plywood.
All in all hindi na maximize ang space ng bahay.
“Nangumpra ma,” sagot ni Rigur sa tanong ni Lola.
Napatingin naman ako kay Moms, nakakunot ang noo.
‘Namalingki,’ she mouthed.
“Ay magtagalog ka at hindi nakakaintindi si Lexi ng bisaya.”
“Anak mo?” Tanong niya kay moms, parang hindi makapaniwalang naka-move-on si moms sa kanya.
“Ah, oo nga pala. Love, siya ang asawa ng tita Aleza mo, si tito Rigor mo,” makahulugan siyang tumingin at ngumiti sa akin habang pinapakilala ang ex niyang nevermind. “Anak ko pala, si Alexindrea. Tapos si Nana Agring, pinsan ni tatay.”
“Hello po,” bati ko sa kanya.
Kung hindi ako nagkakamali, magkasing edad lang sila ni moms, so dapat wala pa siyang forty, pero mukha pa siyang mas matanda kaysa kay pops na fifty years old na.
Hindi niya natuloy kung ano man ang sasabihin niya dahil biglang nag ring ang cellphone ko at nagsalita si Siri.
Popsicle calling…
I accepted the call, at sa hindi malamang dahilan, I decided to put it on loudspeaker.
“Pops?” I asked.
“Amour? I could not contact your Momsi. Avez-vous quitté l’hôtel?”
“Chéri,” bago pa man ako makasagot kay Pops ay kinuha ni moms ang cellphone ko at ini-off ang loudspeaker. “Sorry, na lowbat ang phone ko.”
Pinagmamasdan ko ang reaction ni Rigur sa pag-uusap nina parents.
“Dito na lang daw muna kami sa bahay nina nanay… Yes, may apartment sa tapat and we are planning to check it later.”
We could only hear one side of their conversation, pero napansin ko ang pangungunot ng noo ni Rigur sa paraan ng pakikipag-usap ni moms kay pops.
Na para bang hindi niya nagugustuhan ang pag-uusap nila.
Hala siya! Mukhang siya ata ang hindi pa naka moveon.
Ewww.
“Oui. Je vais lui donner de l’argent,” Moms rolled her eyes nang sabihin niyang bibigyan ako ng cash. “Au revoir. Je t'aime aussi.”
Iniabot niya sa akin muli ang cellphone.
“Amour? Sabihin mo sa akin if you encountered a problem there, okay? And if you don’t like it there, just tell me, and I will find a better house for the three of you.”
“Yes, pops, don’t worry, I will tell you immediately if I don’t like it here,” sinadya ko talagang iparinig na may choice kami na mag-stay or umalis dito kung gusto namin.
Ewan ko ba, iba ang feeling ko talaga rito. Para akong napapalibutan ng mga users.
Yung tipong mabango ka kapag marami kang pera pero pag naghirap ka, wala ka ng kwenta.
“I love you too. Au revoir.”
“May problema ba, nak?” Tanong ni lola kay moms nang tapusin ko na ang tawag.
“Wala po nay. Nagtataka lang kung bakit kami nag-checkout sa hotel, at kung bakit hindi ako ma-contact.”
“Ayaw mo ba rito, apo? Pasensya ka na kung maliit lang itong bahay namin ni Lolo mo,” parang nagtatampong sabi ni lola.
Now I get it kung ano yung hindi magandang pakiramdam na nararamdaman ko simula pa kanina.
Yung pakiramdam na pinaplastic ako ng kausap ko.
This may be the reason, kung bakit nagsisinungaling si moms tungkol sa pagiging strikto raw ni pops sa pera.
“Lola, no. Hindi naman problem sa akin ang maliit na bahay. Tumira po kami ni momsi at Nana sa mas maliit pa na bahay before pops took us in. Ano lang kasi —,” tumingin ako kay momsi para magpasaklolo.
“Nako Talia, huwag kang mag-alala. Kayang mabuhay sa maliit na bahay itong si Lexi. Ang hindi kaya nito, makisama. Maldita kasi to.”
“Nana!” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nagpasaklolo ako, pero na-bash pa ako.
“Oo, nay. Ang ugali nitong mahirap makisama ang problema. Saka hindi marunong sa gawaing bahay. Pati pagluluto ng hotdog, kailangan pa i-Youtube.”
“Hey, you're ganging up on me na,” reklamo ko na nagpatawa sa kanila, maliban kay Rigur.