Chapter 5 - Lexi

1844 Words
A/N: Statements with *** are spoken in French. “Baka naman feeling mo lang yan?” Tanong ni Jazz sa akin habang naka-video call kami. “*** Biatch, huwag kang magtagalog, baka may makarinig. Pero yun talaga ang feeling ko.” “*** Baka naman this time mali ang gut feeling mo. She’s your grandmother,” sabi ni Yui. “*** Ewan ko ba mga biatch. Even moms and Nana are lying to her. Telling her how pops is very strict with money and all. Na para ba hindi magka-idea si Lola na manghingi ng pera sa kanya.” “*** Pero girlfriend, paano mo naman na isip na pinaplastik ka lang ng lola mo?” “*** Hindi siguro pinaplastic biatch, pero yung feeling na mabait lang sa iyo yung tao because they can get something from you? Yun yung feeling ko. That’s why I don’t know how to act. You know me naman, may subtitle ang mukha ko. Ayaw ko naman siyang ma-offend, lalo na at gusto ni moms na makipagsundo na sa kanila.” “*** Well, if you think na mabango ka lang sa kanila now, then give them what you think they want. Marami ka naman noon. I’m sure, hindi man lang iiyak ang allowance mo if you give them a few thousands. Para lagi kang mabango —.” “What the F,” napatol ko ng mura ang sasabihin pa ni Jazz nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. A girl my age opened the door. “Is something wrong, girlfriend?” “Can I help you?” Tanong ko sa babae na nakatayo sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Kinsa ka?” Tanong niya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. “Kwarto ko to.” “Ah, you must be Alyana. Wait… Biatches, I have to go. Let’s chat later.” “Haoi and I have somewhere to be, biatches, so I’ll talk to you tomorrow… *** Leave messages in GC, and I’ll read them,” paalam ni Jazz. “Me too,” si Yui. “Me three, girlfriends.” “Au revoir, biatches,” paalam ko sa kanila bago ko i end ang call at tumayo sa kama at lumapit kay Alyana. “I’m Lexi. We’re cousins.” “Cousins?” Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Paano tayo naging magpinsan?” She’s not the sharpest tool in the shed. Paano ba nagiging magpinsan ang magpinsan? I tried my very best to keep my cool at hindi mapangiwi. “Ahmm, Lola said I could stay here for the meantime,” sabi ko na lang sa kanya. “Peste man dagay ning gulanga ni. Ga pataka na pud ug desisyon,” she whispered na ikinabigla ko. “Sorry?” I may not be able to understand lahat ng sinabi niya, but I am very sure, minura nya si Lola in front of me. Bastos ako at palamura rin naman, but I have never disrespected my elders. Well, not loudly, at least. And not in front of other people. She measured me up instead of answering me. I just smile and let her. This is not my territory, so I need to be careful for the time being. “Oh, gatoo ko magpahaway ka? Gatindog pa man ka diha?” Narinig ko ang boses ng babae sa likod niya. My ged. I really need to learn how to speak Cebuano or, at the very least, have something I can use to understand the dialect. Baka binibinta na pala ako ng mga kausap ko, tapos nakangiti pa ako. Si Moms at Nana naman kasi, bakit kasi hindi ako tinuruan. Sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita. May hawig siya kay moms but she looks older. Pero ang sabi ni moms, dalawa lang silang magkapatid. Unless may tinago na namang kapatid ito. Ilang kapatid ba ang tinatago ng nanay ko? “Kinsa man na imong bisita?” “Wala pud ka kaila niya? Ingun man siya ig-agaw daw me.” “Ig-agaw?” Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil wala akong naintindihan sa usapan nila. “Oh, nauli na diay mo.” Heto pa ang isa. Lerd jesaz. Help me. “Kinsa ni pang?” Yung feeling na nag-uusap ang mga matatanda, tapos wala kang naintindihan sa topic nila, yun ang feeling ko ngayon. Tumingin sa akin si Tito Rigur at ngumiti. Close ba kami? “Dili siya kasabot ug bisaya,” sabi nito. “Si Lexi, anak ni Yaya Alexa mo.” Yaya? Yaya nya si moms? “Nauli si manang?” Patanong ang tono ng boses niya pero halata sa mukha niya na hindi niya gusto ang nalaman. “Dieu merci,” daig ko pa ang sinurpresa sa birthday nang makita kong pumasok sina moms. Galing kasi sila sa labas para puntahan yung Mercy na may-ari ng apartment na sinasabi ni Lola. Hindi na kasi makapaghintay na umuwi si Alyana at baka raw gabihin. “What are you thankful for?” Nagtataka pero natatawang tanong ni Moms nang lumapit ako sa kanya at yumakap. “Je n'ai pas compris un mot de ce qu'ils ont dit.” “Hindi daw niya kayo naintindihan,” explain ni Moms nang makita niya sa mukha nila ang pagtataka. See? Hindi maganda sa feeling na wala kayong maintindihan diba? “Did you introduce yourself?” Tanong ni moms sa akin. “I did. To her,” sabay turo kay Alyana. “But she doesn’t seem to know me.” “Nauli lagi ka Nang.” “Pouvez-vous leur demander de parler tagalog ou anglais, s'il vous plaît?” I whispered to Moms and laid my forehead on her shoulder and hug her from behind. It’s my way of paglalambing. Natatawa naman na naiiling si Nana. Although she do not speak French, kahit papaano ay nakakaintindi siya. Basta huwag lang daw rumatat ang bibig ko na parang armalite pagnag-French ako. “You can ask them yourself.” “***But I don’t want to sound rude.” She rolled her eyes at me bago ibinalik ang pansin kina Lola. “Baka raw pwedi Tagalog-English,” she relayed my request to them. “Pasensya na, hindi kasi namin naturuan ni Nana Agring ng cebuano eh.” “Nako pasensya na apo. Hindi ko nasabihan si Yaya Aleza mo,” sabi naman ni Lola. “Yaya?” “Tita, Aunt, tiyahin,” singit ni Nana. “Hindi yaya na nanny.” “Alam ko yun, Nana.” “Asus, alam daw niya. I-off mo muna yang subtitle sa mukha mo para mas convincing.” I made a face in her direction. “Can we sit?” Tanong ko sa kanila dahil lahat kami kanina pa nakatayo sa sala. Nauna na akong umupo at baka tumanggi pa sila. “Does the word ‘manang’ have different meaning?” Nagsisimula na akong magtanong. Dahil sure ako na hindi lahat ng tao rito ay mag-a-adjust para sa akin. I need to be the one to adjust. “Manang means older sister. Ate.” “Iggagaw?” “Ig-agaw. Cousin.” Marami pa akong words na tinanong na sinagot naman ni Nana. My gosh, marunong pa rin naman pala siyang mag-cebuano, bakit hindi nila ako tinuruan? Dapat tinuruan muna nila ako ng dialect nila bago ako naturuan ng mga kapitbahay namin sa Tondo na magmura. Napansin ko naman na naaliw si Lola sa mga tanong ko. And it seems her happiness is geniuine. Ganoon din si Tito Rigurrrr. Doon ako medyo na asiwa. Parang feel nya, close kami. Napapansin ko naman ang paminsan minsang pagtaas ng kilay ni Alyana na para bang naaartehan sa akin. Pasensya siya. Maarte talaga ako. Makikita rin sa mukha ni Tita Aleza na parang hindi niya gusto na nandito kami. But she was the one who contacted Nana? Ano ba ang iniisip niya noong ipaalam niya kay Nana na nasa ospital si Lolo? That Moms would not care? “Nay, kinsa — Sinong nagbabantay kay Tatay?” Tanong ni tita Aleza. Kahit halatang hindi niya gusto na andito kami, at least, nagpapakitang tao siya. And I am thankful for that. “Kumuha ng nurse aide si Manang mo, para may magbantay sa tatay nyo,” sagot ni lola. “Nurse Aide? Mahal po ang pasahod sa nurse aide tita. Yung ipanggagastos sa pagbayad ng nurse aide, pinangbayad na lang po sana sa bill sa ospital.” “It’s okay Alyana. I already paid the current bill. At naka ADA na rin yun sa credit card ko,” nakangiting sagot ni moms. “ADA? Saka credit card? Diba utang yun? Baka lalo tayong malubog sa utang niyan, manang.” “Huwag kang mag-alala, Leza. Shoulder ng husband ko ang pagbabayad sa credit card. Automatic yung nababayaran buwan buwan kaya wala kang dapat alalahanin. Saka mabuti na rin yung may nurse aide na nakabantay kay tatay, they are trained at mas alam nila ang gagawin kung sakali. Saka medyo mahina na rin si nanay, hindi pweding siya ang magbihis bihis kay tatay. Baka imbes isa lang, eh dalawa pa silang ma-ospital.” “Magtatagal ba kayo rito?” Muli niyang tanong. Halata na talaga na ayaw niyang andito kami. “Ayaw mo ba?” Nanlaki ang mga mata ko sa mapanghamong tanong ni moms. Sabagay, sabi nga ni Moms, palaban na siya, at ayaw na niyang maging pushover pagdating sa kambal niya. Saka, ano na lang daw sasabihin ng mga tao kung abogada nga siya pero pushover naman. Para namang nabigla si tita Aleza sa tanong niya. “Hah? Hindi naman sa ganoon. Nag-aalala lang ako sa anak mo, mukhang hindi sanay sa maliit na bahay. Pinagpapawisan na nga oh,” puno ng ka plastikan siyang ngumiti sa gawi ko. Pero totoo naman. Kanina pa ako pinagpapawisan. Hindi nga lang ako nagrereklamo. Agad namang tumayo si Lola nang mapansin ang pagpapawis ko at itinutok sa akin ang standfan. “Naku apo, dapat nagsabi ka,” at pinunasan niya ng panyo ang mga butil ng pawis sa aking mukha. Amoy pulbos pa ang panyo niya. Medyo pang grannies nga ang scent. “Lola, it’s fine. Saka isa lang po ang standfan. Kayo naman po ang maiinitan,” but I still welcomed the way she takes care of me. Inaalagaan naman ako ni Nana. Pero parang naiinis si Alyana sa treatment ni Lola sa akin. At parang mas gusto ko siyang inisin. Guardian angel, ikaw na bahala sa ka malditahan ko. Doktorin mo na lang ligtas points ko sa langit. “Huwag mo kaming alalahanin at sanay kami sa init,” sabi pa niya at pinaypayan pa ako gamit ang cardboard na nakuha niya sa tabi kahit naka-steady na sa direksyon ko ang hangin. “Syempre, hihintayin kong mag-okay si tatay,” sagot ni Moms sa tanong ng kambal niya. “Pero baka magtagal rin kami rito. Isa kasi sa namamahala sa development ng SCP ang asawa ko sa Occidental. Pero depende pa rin naman sa desisyon niya. Pero sa ngayon, dito muna mag-aaral si Lexi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD