Chapter 6 - Lexi

1882 Words
“Love, gusto mo bang bumalik tayo sa hotel?” Tanong ni moms sa akin. Naawa siguro sa hitsura ko. Halos wala akong tulog dahil sa init sa kwarto ni Alyana. Hindi naman kasi ganoon ka laki ang kwarto niya. Kasya lang ang single bed at isang drawer. Sapat lang din ang lambot ng kama. Pero hindi naman ako nagrereklamo sa sikip ng kwarto or sa medyo may katigasang kutson. Hindi ako nakatulog dahil sa init at dami ng lamok. May ceiling fan sa kwarto, but I decided to turn it off dahil sa ingay. At nang pinatay ko yun, dahil patay rin ang ilaw, since I could not sleep when the lights are on, pinapak na ako ng lamok. Nagtalukbong ako ng kumot pero sobrang init sa loob. Dahil naka satin spaghetti strap tank top and shorts lang ako pagnatutulog, halos mapuno ng pantal pantal ng kagat ng lamok ang mga binti at braso ko. “Dapat kasi hindi mo pinatay ang ceiling fan,” sabi ni Nana habang pinapahiran ng ointment ang mga pantal pantal sa katawan ko. “Ang ingay kasi. Saka para akong magkaka-anxiety. Feeling ko, mahuhulog siya at didiritso sa mukha ko,” explain ko. Kasi naman, kapag na papatingin ako sa ikot ng ceiling fan, hindi ko maiwasang maisip na baka ma-final destination ako. Kasalanan Talaga to ni Vonn. Dahil sa pamimilit ng mokong na yun na mag-movie marathon kami ng Final Destination movies, hindi ko na maiwasang magka-anxiety sa mga bagay bagay. “Try taking a nap dito sa sala for a while,” sabi ni moms habang ina-arrange ang unan sa sofa. “We will keep the door open para mas presko ang hangin na pumasok.” Tumango lang ako at dahil na rin siguro sa sakit ng ulo at subrang antok, nakatulog naman agad ako habang pinapaypayan ni Moms. Hindi ko na napansin kung anong oras ako nakatulog, pero around eleven noon na ako nagising. And I feel much better than earlier. Kahit na may hangin na nakatutok sa akin, nagsimula na ring maging maalinsangan ito. I could hear whispers coming from the kitchen. “How about one year na upa ang bayaran ko na ngayon Merc? Okay lang ba sayo? Saka mas okay kung walang gamit sa loob, bibili na lang kami ng sarili namin. Ayaw ko namang makasira ng gamit mo,” I heard moms talking to another woman. “Isang taon, Lexa? Baka mabigatan ka.” “Mas mabuti na yung mabayaran na agad nay, para hindi na ako mag-iisip buwan buwan. So pwedi ba, Mercy?” “Naku, pweding pwedi Alexa. Saka ipapalinis ko kaagad para makalipat kayo agad. Tatlong kwarto yan. Isa sa baba at dalawa sa taas. Saka ready na rin ang mga outlets dyan kung sakaling gusto ninyong magpakabit ng mga aircon. Split type nga lang na aircon,” sabi nang isang babaeng hindi ko pa nakikilala. “Baka naman pweding may tawad yan, Mercy. Tutal naman isang buong taon ang babayaran, saka walang gamit,” boses ni lola. “Syempre naman, Manang Talia. Imbes na one hundred eighty thousand, one hundred fifty thousand na lang. Saka pwedi mo ring papalitan ang mga lock ng pinto at gate.” “Salamat naman. May lease of contract ba? Saka pahingi na rin ako ng bank account number mo, para maipa-transfer ko sa asawa ko ang bayad.” Marami pa silang pinag-uusapan na halos hindi ko na rin naman masyadong maintidihan. Minsan nagsasalita ng Tagalog ang kausap ni moms, minsan nagsi-cebuano rin. Na-stress utak ko na sa mga sandaling ito ay hindi pa masyadong nagpa-function. “Love, gising ka na pala. Feel a little better?” Tanong ni Moms nang makita akong nakaupo na sa sofa pagkatapos nilang magkasundo ng babaeng kausap niya. “Better than earlier.” “Ito na ba ang anak mo?” Tanong ng bisita ni moms. “Oo. Si Lexi. Love, si tita Mercy mo. She owns the apartment in front.” “Ang ganda ha. Parang manika. Halatang foreigner ang tatay. Naku, kung si Rigor ang nakatuluyan mo, baka hindi ganyan ka ganda ang lahi mo, amiga.” “Hoy!” Nabiglang nasapak ni Moms ang balikat ni Tita Mercy. “Baka marinig ka.” “Ay sus, tinuod man gud. Ug kayo ang nagkatuluyan. Hesus ta, stress na stress ka na ngayon. Tingnan mo si Aleza, ikaw ang ate, pero mas nawong pa siyang ate sa imo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Naghahalo ang language niya, pero naiintindihan ko naman. Saka mukhang bubbly si Tita at mukhang magkakasundo kami. “Tumigil ka na nga. Basta tatawag ako sayo kapag na-transfer na ang bayad.” “Love, mabuti pa maligo ka na, para makaalis na tayo. We will go to see your Lolo in the hospital then bibili na rin tayo ng gamit para sa apartment at ng makalipat tayo agad,” she instructed nang makalabas na si Tita Mercy. “Where is Nana?” “Nagtungo na sa hospital kasama si Tita Aleza mo. We will see them there.” Tumango lang ako at muli nang pumasok sa kwarto ni Alyana. Nasa maleta ko pa rin ang mga gamit ko. Hindi na ako nag-unpack since wala rin naman akong paglalagyan. At mabuti na lang din dahil mukhang hindi naman kami magtatagal dito sa bahay nina lola. “Hi Gwaps,” napatingin pa ako sa likod ko ng sabihin yun ng isang lalaki nang mapadaan kami sa pinagtatambayan niya. Medyo napangiwi pa ako ng kinindatan niya ako. “Hoy, Richi, undangi akong apo. Tsinilason tikaw run,” medyo galit na sabi ni Lola sa lalaki na hula ko ay Richi ang pangalan. “Ah grabehang Nanay Talia oi. Ni ‘hi’ ra gani,” napakamot sa ulong sabi nito. “Hi, Hi, ka dira. Hayang ka run. May pag imo ming ihatod sa ospital, para dili mainitan akong apo.” “Huwat lang nay. Ihatod tamo, mamasada naman pud ko,” pumasok ito sa loob ng bahay. Natatawa lang si moms na nakikinig kina lola at doon sa Richi, habang nakakunot ang noo ko na sumunod na lang nang lakad kina Lola. Sumakay siya sa nakaparadang pedicab sa may gilid ng daan. Kinaganda ng mga tricycle rito sa Dumaguete ay malalaki ito at malapad. Hindi kagaya ng sa Manila na dalawang pasahero lang ang kasya. Mabuti na lang din at bata pa ako noong huli akong nakasakay sa tricycle, dahil kung sumasakay pa rin ako noon pagkatapos ng growth sprout ko, malamang hirap na hirap ako dahil sa tangkad kong five nine. Hindi naman katagalan ang paghihintay namin kay Richi. Bago umalis ay ipinakilala muna ako ni moms sa kanya. Medyo may kahanginan siya pero mukha naman mabait. Matabil rin ang dila nito. Pero okay lang dahil habang tumatakbo ang pedicab, panay naman siya describe kung ano ano ang mga nakikita ko sa paligid na wala raw sa Manila. Pwedi siyang tour guide. At kahit parang nahihirapan siya sa pagta-Tagalog ay talagang sinubukan niya. “Ayaw ra nang,” sabi niya kay moms nang abutan siya nito ng one hundred pesos pagkarating namin ng ospital. “Basta gwapa, libre biya akong motto.” “Tumigil ka. Tanggapin mo na, panggasolina mo. Wala ng libre sa panahon ngayon. Saka ilang pasahero ang nilampasan mo dahil sakay kami,” moms insisted. “Hindi na ulit kami sasakay dito sa pedicab mo pag di mo to tinanggap.” Napakamot na lamang siya ng ulo at tinanggap ang perang iniabot ni Moms. “Thank you po, kuya,” pasasalamat ko sa kanya at sumunod na kina lola na nauna nang maglakad papasok ng ospital. I waved at him goodbye and he waved back bago muling pinaandar ang sasakyan niya. Hindi ko maiwasang ma-conscious sa paglalakad dahil sa mga double take ng mga tao na nakakasalubong or nadadaanan namin. May mga naririnig pa akong sumisipol. Hindi naman bago sa akin ang mga ganoong tingin ng mga tao, but that was when I am with Jazz. She’s an epitome of beauty, kaya naman undestandable na na napapa-double take ang mga tao sa amin kapag kasama namin siya. But this is different. Because I know they are looking at me. Huminto kami sa harap ng elevator. Nasa fourth floor ng building ang ICU room kung saan naka admit si Lolo. “Hello,” bati sa akin ng isang batang babae na mommy nya yata ang kasama na nag-hihintay sa pagbaba ng elevator. “Hi,” I greeted back with a smile. “You look like my Barbie,” nakangiting sabi pa nito at ipinakita sa akin ang Barbie na hawak niya. “Thank you, but your Barbie is prettier. And you are prettier than me and Barbie combined,” sabi ko na nagpakilig ng tawa sa kanya. Magkasabay kaming pumasok ng elevator. “What’s your name?” Tanong niya sa akin nang magsara ang elevator. “Lexi. What’s yours?” “Belle,” maliksi nitong sagot. Since nasa loob naman na kami ng elevator, I squatted beside her, para hindi siya mangalay sa kakatingala sa akin. “Belle is a French word meaning beautiful.” Halatang napaka-bubbly nito. “Ba-bye,” masayang paalam nito nang bumukas ang elevator sa third floor at lumabas na ang mga ito. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa floor na sadya namin at dumiritso sa ICU. Gising na si Lolo nang makapasok kami. Ngayon lang kami naipakilala ni Lola sa isa’t isa dahil tulog siya kahapon. Kahit nanghihina pa, ay halata naman sa mukha nito ang galak nang makita kami, lalo na si moms. We were able to talk with the doctor in charge of him and were informed na pwedi na siyang ilipat sa regular room, since stable na naman daw ang kalagayan niya. ASKAL Napatikwas ang kilay ko seeing the notification on my phone. Askal: Download this app, baby. 😘 Me: What is that? 😒 Askal: It’s an automatic translator. It will recognize the language being used and will automatically translate and transcribe it for you. It’s not perfect yet. But it will help you to understand a little what the people around you are talking about. Napangiti ako nang mabasa ang message niya. Habang nahihirapan akong matulog kagabi, siya ang pinagbuntungan ko ng init ng ulo. Nalagi naman nangyayari. Me: Okay. Askal: Just okay? No thank you and no kisses? 😔 Me: 🖕 Askal: I love you too, baby. 🥰 Me: Ewwww 🤢🤮 I immediately downloaded the app he sent me. Wala namang naging problema sa pagdownload ng app. Hindi ko mapigilang matawa nang ang icon na lumabas pagkadownload ay wolf. Wolf wolf pang nalalaman, eh, askal lang naman siya. I just click all yes in all the pop-up options at agad na okay na ang setup. The app was simple to look at. Para lang siyang notepad in sunshine yellow ang color. May dalawang option sa magkabilang gilid. A Clover earing and a red lipstick. Mukhang pinag-isipan nya ang icons na gagamitin. I tap the Clover icon, and it immediately catches the conversations around me. And true to what he said, the app really automatically translates and transcribes the conversation nina Moms, lola at ng doctor. Me: Thank you. 🙄 Kahit ayaw ko, I have to send him a message because I am truly thankful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD