Bharbie's point of view. Inaantay ko sila Kurt dahil sinabi ko na daanan muna nila ako bago kami lumabas papuntang parking lot. Ayoko rin kase lumabas mag isa. Isa pa, gusto ko rin na may magdala ng ibang gamit ko. Kanina pa nga ako nag-aantay sakanila kaso hanggang ngayon wala pa rin silang tatlo. Tinignan ko ang orasan at mahigit isang oras na ako nag-aantay pero wala pa rin sila. Bumukas na ang pinto kaya napalingon ako banda doon. Nakita ko silang tatlo na nakangiti sa akin. Tinignan ko lang ito ng masama. "We're here!" masiglang sabi ni Chloe. "Seriously? One hour akong nag-antay rito. Ganyan niyo na ba tratuhin yung leader niyo huh?" "Sorry kung napag-antay ka namin. Alam mo naman si Kevin sobrang bagal kung kumilos," sabi ni Kurt at kinuha ang bag ko. "Let's go." Nauna na ako

