Prologue
Walang ordinaryong araw sa Journal Academy.
Sa unang tingin, isa lang itong ordinaryong eskwelahan. Malalaki ang pader, makintab ang sahig, at tahimik ang bawat sulok. Pero sa likod ng katahimikang 'yon, dalawang mundo ang palaging nagbabanggaan.
Gangsters Group. Sila ang hari’t reyna ng eskwelahan. Mayayaman, makapangyarihan, at walang mintis ang bawat kilos. Kung anong sabihin nila, ayon ang batas. Kung sinong kalaban nila, ayon ang babagsak.
Simple Students. Tahimik. Karamihan ay mga aninong lumalakad sa eskwelahan. Walang pumapansin at mukha silang extrang tauhan sa sariling eskwelahan.
At sa pagitan ng dalawang mundong 'yon, walang sino mang nangahas na lumabag hanggang sa dumating s'ya.
Bharbie Anne Safari.
Isang transferee na walang nakakaalam ng pinanggalingan. Walang kaibigan. Walang pakialam. Tahimik pero mapanganib sa kakaibang paraan. Parang bagyong paparating, hindi ramdam sa simula pero sisira sa lahat kapag dumating.
At kung may isang tao na hindi n'ya dapat kaharapin, iyon ay si Zach Yael Lee. Ang hari ng Journal Academy. Isang leader na hindi kailangang magsalita para sundin. Malamig, mapanganib, at hindi sanay na may kumokontra sa kanya.
Pero sa isang lugar na kasing dilim ng Journal Academy, kung saan ang mga lihim ay mas matalas pa kaysa sa bala, at ang bawat titig ay maaaring maging simula ng digmaan, isang simpleng pagkikita ang magiging dahilan ng gulo na hindi na mapipigilan.
At kapag dumating ang araw na 'yon, hindi lang puso ang nakataya kundi pati ang buhay nila.