Chapter 1

4198 Words
Bharbie's point of view. "Hi! Maganda kong apo!" Tahimik akong nakaupo sa kama, nakatutok sa laptop, nakasalampak sa mga unan na parang ayaw ko nang bumangon. Hindi ko na binuksan ang ilaw ng kwarto, blue light lang mula sa screen ang nagsisilbing spotlight sa mukha ko. Pero hindi yata uso ang peace and quiet sa mansion na 'to dahil biglang bumungad si Lolo sa pinto. Suot n'ya ang snapback na halatang pinilit isiksik sa ulo n'yang may ilang dekada nang kalbo sa unahan. At bago ko pa ma-process, ayun na nagsimula na s'yang sumayaw sayaw na parang may balak mag audition sa World of Dance kung saan s'ya ang pinakamatandang contestant. Napailing na lang ako. Okay... Seriously? "Pwede po bang lumabas muna kayo?" sabi ko, malamig ang tono, hindi tinatanggal ang tingin sa laptop. "Alam n'yo naman busy ako. Naghahanap ako ng bagong school, 'di ba?" Pero imbes na lumabas, umupo pa s'ya sa dulo ng kama. Biglang seryoso ang mukha n'ya. "Kailan ka ba kase magbabago, ha? Ilang eskwelahan na ba ang napatalsik ka?" Here we go again. Huminga ako nang malalim, pinigilan ang inis. "Hindi ko naman kasalanan, okay? Lagi lang talaga akong nadadamay. Ang daming epal sa paligid. At isa pa, self-defense is not a crime." Patuloy akong nag-scroll. Ixius Academy? Pang anime vibes, hindi naman ako fan. Dela Cruz Academy? Nope. Masama na nga ang pangalan, boring pa ang policies. At saka, seryoso? Apelyido nila ang pinangalan sa school? Ang cringe ah! "Alam mo," malalim ang buntong hininga ni Lolo, "kung buhay pa ang mga magulang mo, siguradong hindi ka na makakatikim ng maayos na pag-aaral dahil sa ugali mong 'yan." Napalingon ako, ngumisi. "Really? Good idea 'yon. Wala nang sakit ng ulo, wala pang tuition fee. Hindi mo ba gusto 'yon, Grandpa? At least wala ka nang pag-aaralin na pasaway na apo." Kita ko ang bigat sa mukha n'ya bago s'ya tahimik na tumayo at iniwan ako. Napa-roll eyes na lang ako sabay nguya ng bubblegum bago muling nag-scroll sa phone. Next school... next chance. Pero kahit gawin kong biro, alam ko ang totoo, ramdam ko yung bigat sa dibdib. Hindi ko naman ginustong maging problema ng lahat. Sanay lang talaga akong mabuhay sa gulo. Hindi dahil gusto ko kundi dahil paulit-ulit akong tinutulak doon na para bang kahit anong gawin ko, doon pa rin ang bagsak ko. Sa magulong mundo na ako mismo ang kinatatakutan. Si Daddy pa nga ang nagturo sa 'kin ng martial arts. Self-defense daw, para may panlaban ako kapag dumating ang oras na kailangan ko ng ipagtanggol ang sarili ko. Noon, tingin ko laro lang, mga suntok at sipa na parang parte ng bonding naming mag-ama. Pero ngayon... iba na. Ginagamit ko na lang para hindi ako madurog ng mundo at para manatili akong buo kahit pakiramdam ko lahat ng bagay gustong gumuho sa paligid ko. At ngayong wala na sila mas lalo akong nag-iisa. Pareho silang kinuha nang maaga, si Daddy at si Mommy. Wala man lang malinaw na dahilan, wala ni kahit anong sagot sa mga tanong ko. Ang tanging meron ako ay mga alaala nila, si Kuya, Grandma Jane at isang laging umiwas na si Lolo Gino. Kahit kailan hindi nila ako binigyan ng matinong paliwanag. Laging bitin, laging putol. At sa bawat pag-iwas nila, lalo lang lumalaki ang bigat sa dibdib ko. At tuwing tinatanong ko sila kung bakit namatay sila Mommy, ito lang ang sagot nila sa'kin palagi. "Hindi mo na kailangang alamin pa." Like, seriously?! Anak nila ako! Hindi ba't karapatan ko rin naman malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa? Hindi ba't ako ang may pinaka-dahilan para marinig ang katotohanan? Kaya mula no'n, nagsimula na akong mag-duda dahil kung wala silang masabi ibig sabihin may tinatago sila sa 'kin. Lalo tuloy nagiging malinaw na hindi basta aksidente lang ang lahat. Habang nag-iiscroll, isang pangalan ang biglang sumalubong sa'kin sa screen. Journal Academy. That name hits different. Maganda pakinggan, parang elite. Parang puro matatalino yung students, tipong mga honor student pero may mysterious vibes. At sa isang iglap, parang tinatawag ako ng pangalan na 'yon. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bigla akong napa-upo nang tuwid, halos mabitawan ang phone. "Grandpa!!" sigaw ko, at sa lakas no’n, parang bumulaga ang tinig ko hanggang sa sala. Narinig ko ang mabigat na yabag ng mga paa n'ya mula sa sala, mabagal at parang sinasadya ang bawat hakbang. Ilang segundo pa, bumukas ang pinto at pumasok si Lolo pero muntik na akong mabilaukan sa nakita ko. Nakasuot s'ya ng bonnet. At hindi lang basta bonnet, may bear ears. What the f*ck?! "Why, apo?" tanong n'ya habang may innocent look pa na parang bata. Ghod. Cute-cutehan? At your age? "Nakapili na ako ng school," sabi ko, diretso, walang paligoy. "Journal Academy. Enroll me. Now. Alam n'yo naman ayokong naghihintay, 'di ba?" sabay kindat, kahit obvious na super excited ako. Akala ko tatawa s'ya. O mag-oo agad. Pero hindi, bigla s'yang natigilan. Para s'yang naging estatwa sa pinto. At doon ko nakita ang expression na matagal ko nang hindi nakikita sa kanya, yung takot sa mga mata n'ya. "Journal Academy?" mabagal n'yang ulit, halos bulong. "Yes." Tumagilid ang labi ko sa isang smirk. At imbes na sumagot agad, mabilis s'yang umiwas ng tingin. "Wag na dyan. Marami pang ibang school. Mas malapit. Mas ligtas." Wait. What? Ligtas? Napataas kilay ko. "Since when naging choosy ka? Never mong pinakialaman ang choices ko. Kahit nung thirteen ako at nagpatattoo ng temporary kilay, deadma ka. Pero ngayong Journal Academy lang ang pinili ko, biglang defensive? What's the deal?" Tahimik lang s'ya. At sa katahimikan na 'yon, ramdam ko. May alam s'ya. Hindi ito simpleng pag-aalala. Hindi ito dahil sa distansya. Hindi ito tungkol sa commute, sa convenience, sa tuition o kung ano mang excuse. This is something else. Something heavier. "Eh kasi naman, apo..." bigla s'yang nag-pout. As in, full-on baby pout. Lower lip nakalabas na parang batang pinagkaitan ng gatas. "Gusto mo bang malayo ako sa 'yo?" tanong n'ya. Napakunot noo ako. "What do you mean?" "Malayo ang school na 'yon," sagot n'ya, mabagal. "Sigurado akong hindi na kita mabibisita. Hindi na kita maaabutan sa bahay at wala na akong makakausap na masungit." Napailing ako, natawa ng mapait. "And what's the issue with that? Good news 'yon! Wala na akong makikitang matandang nagsusuot ng damit ng fifteen-year-old, o mas malala, ng bonnet na may bear ears. Do you even hear yourself? Freedom, finally." "Hay nako!" tinuro pa n'ya ako as if ako ang may kasalanan ng fashion choices n'ya. "Kahit kailan ka talaga, bata ka pa rin!" Tumalikod s'ya at lumabas ng kwarto. "Osya! Tatawagan ko si Kuya mo! Siya na ang bahala sa 'yo." Huh? Si Kuya? What does he have to do with this? Bakit n'ya ba dinadamay pa si Kuya na halos hindi ko na makausap dahil busy sa business namin na mas madalas ko pang makita sa magazine covers kesa sa dining table. S'ya talaga? S'ya pa talaga ang tatawagan n'ya para lang makialam sa decision ko? Napahiga ako, nakatitig sa kisame. Pero habang nakahiga, may isang thought na sumulpot. Bakit parang ang dami n'yang alam tungkol sa Journal Academy? Hindi naman 'yon sikat. Hindi kilala. Hindi pang-elite na tipong pinopost ng mga anak mayaman sa FaceGram stories nila. And yet, the way he reacted? Parang binanggit ko na papasok ako sa haunted house na never ka na lalabas ng buhay. I replayed the look in his eyes. Yung gulat. Yung mabilis na pagtatago ng emosyon. At mas lalo lang sumisiksik sa isip ko ang iisang katotohanan. He knows something. Lolo's hiding something. And I hate secrets. Umupo ako, biglang nabadtrip. Ramdam ko yung adrenaline sa ugat ko. Hindi ako pwedeng mabulok lang dito sa kama kakaisip kung ano yung tinatago n'ya. Kinuha ko yung leather jacket na nakasabit sa upuan at sinuot. Binulsa ko yung earphones pero hindi ko na ito binuksan. Kinuha ko yung rubber shoes sa ilalim ng kama at isinuot nang walang medyas. Hindi ako fashion victim para mag-alala kung bagay. Ang mahalaga, ready ako umalis. Diretso sana ako sa sala para magpaalam kay Grandpa pero natigilan ako. Nandoon s'ya, nakaupo, hawak ang phone at seryosong may kausap. Hindi ito yung childish na matandang mahilig magpout o magsuot ng damit na pang teenager. Para s'yang ibang tao. Tahimik. Nakakunot ang noo. Para bang may dalang bigat na hindi dapat umabot sa mga tenga ko. Si Kuya Steven siguro ang kausap n'ya kaya hindi na ako nagpaalam. Hindi ko na kailangan ng extra drama. Ang kailangan ko lang ngayon ay hangin. Isinuot ko ang headphones na nakasabit pa sa leeg ko, pinatugtog ang playlist ko. Naglakad lang ako hanggang sa biglang may narinig akong kaguluhan. Mga tao, nagsisigawan. Umingay ang park na parang may eksenang nangyayari ngayon. Syempre, lumapit ako. Curious ako eh. And that's when I saw it. Apat na babae. Isang biktima. Lahat ng galit, ibinubuhos nila doon sa isa. Sipa. Sampal. Tulak. Sigawan. Tapos yung mga tao sa paligid hindi manlang tumutulong. Alam mo kung anong ginagawa? Ayun, nag-vivideo. Seriously? Is this the kind of society we live in now? May babaeng ginugulpi sa harap nila tapos ang instinct nila is i-record instead of tumulong? Mga tanga. Mga duwag. Mga walang kwenta. Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko na nakatingin lang din. Mukha s'yang shocked at gaya ng iba, parang dekorasyon lang. "Hoy!" malakas kong tawag. Sabay sabay silang napalingon. Lahat ng mata, nakatutok ngayon sa'kin. Maging yung apat na parang member ng isang girl gang, huminto rin sa pagbugbog. Bigla silang naging alerto, parang may bagong target pero deadma lang ako. Ngumuya ako ng bubble gum tapos inayos ang headphones sa leeg ko. Lumakad ako papalapit, "Excuse me, who are you?" tanong ng isa sa kanila. Nakapulang top, sobrang puti na parang kabute. Payat, sexy at halatang sanay sa atensyon. Hindi ko s'ya sinagot. Instead, tumingin ako pabalik sa lalaki na hanggang ngayon parang multo sa gilid ko. Sinitsitan ko s'ya. "Tulungan mo." Nagulat s'ya. Literal. Para s'yang tinubuan ng kaluluwa pero tumalima. Nilapitan n'ya yung babae at inalalayan papalayo. Bumalik ang tingin ko sa apat na mean girls. Nakataas na ang kilay nila. Halatang inis na inis sila sa ginawa ko na parang gusto pa nila akong balikan. Well, let them. I don't back down. "What are you doing, b*tch?" tanong ng isa sa kanila, yung naka off white na shirt na parang sinadya talagang isuot para magmukhang inosente. Mukha s'yang manika dahil maputi rin s'ya pero hindi kasing puti nung isa na akala mo lumunok ng isang libong gluta capsules in one sitting. "What am I doing?" I raised a brow, chewing my gum with full sarcasm. "Uhm. I don't know? Standing here? Looking fabulous?" "YOU DON'T KNOW US!" sigaw naman ng isa pa, naka itim na shirt, morena, maikli ang buhok, mukhang it-girl pero may halong mean girl energy. Napangisi ako. "Oh wait! Dapat ba kayong kilalanin? Artista ba kayo? Sorry, ha! Hindi kasi ako mahilig manood ng TV. O baka dahil extra lang kayo sa background kaya hindi kayo ganon kasikat." I even fake gasped, just to annoy her more. "Ano bang pinagsasabi mo?!" singhal nung isa pa. Naka blue shirt, maputi rin pero kulay abo ang buhok. Tomboy kung manamit, fierce ang datingan pero sa totoo lang ang daldal. "At sino nagsabi sa'yo na pakialaman mo kami? Kung ayaw mong matulad sa babaeng 'yon, lumayo ka na ngayon pa lang." Tumawa lang ako. "B*tch..." bulong ko, habang ngumunguya pa rin ng bubble gum. "WHAT ARE YOU SAYING?!" sabay sabay nilang sigaw. Napabuntong hininga nalang ako. Inayos ang buhok at tumingin sa kanila na parang nanay na pagod na sa ingay ng mga batang walang alam sa buhay. "Girls," I said, firm and bored at the same time. "I don't want to waste my time. So please, umuwi na lang kayo sa kung saan man kayo galing dahil ayokong makipag away sa inyo at masayang ang bubble gum ko." Tumalikod na ako, handa nang umalis at kalimutan na lang ang lahat. Pero bago pa ako makalayo, may biglang humila sa buhok ko. YES! SA BUHOK KOOO! F*CK THEM! Napasubsob ako sa sahig, ramdam ko pa ang hapdi sa anit ko habang halos mabunot ang ilang hibla. For a split second, natigilan ako, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa kapal ng mukha ng kung sinong gumawa no'n. And that was their first, and definitely their last mistake. Dahan-dahan akong napaupo, mga daliri ko nakakuyom na parang mga blade na handang manugat. Adrenaline hit me hard, dumadagundong sa tenga ko ang sariling heartbeat. Tatayo na sana ako para gumanti pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Agad nila akong pinalibutan. Isa, dalawa, tatlo at apat. Mga anino silang lumapit mula sa kung saan, nakasara ang bilog na parang ako mismo ang kanilang target ngayong gabi. Pero kung ang tingin nila, biktima ako, maling-mali sila. "Pwede bang tigilan niyo 'ko bago pa may mangyari sa inyong 'di n'yo gugustuhin?" I warned, glaring at each of them. "As if we're scared?" sabat ng isa, ang yabang pa ng posture. Ngumiti lang ako. That kind of smile na hindi mo alam kung nakakatawa o nakakatakot. Then I stood up slowly, dusted off my butt like a queen, and turned to the guy from earlier. "Hey! Catch!" I shouted. Binato ko sa kanya yung headphones ko, at mabuti na lang mabilis n'yang nasalo. Hindi ko na inisip kung mababasag ba o hindi, wala na akong pakialam. I rolled my shoulders, then cracked my neck, isang malutong na tunog na nag-echo sa paligid. Huminga ako nang malalim, parang ibinabaon ko lahat ng takot at iniiwan lang ang apoy. Pagharap ko ulit sa mga babae, ibang aura na ang dala ko. "Alam n'yo bang ngayong araw ko dapat sisimulan ang pagbabago ko?" I said calmly, but with venom laced in every word. "Pero anong ginawa n'yo? Hinamon n'yo ako. Kaya wag n'yo kong sisihin kung uuwi kayong may mga pasa sa mukha. Choice n'yo 'yan." Unang sumugod sa 'kin yung babaeng naka-blue. Walang pasabi, walang warning diretso sugod, parang hayok sa sabunotan. And the thing is, mahina s'ya. Sobrang hina. I barely even tried, pero ramdam ko agad habang hawak ko yung bun n'ya, lagas agad ang buhok n'ya. Napangisi ako bago ko pa s'ya tuluyang bitawan. Sinipa ko s'ya diretso sa sikmura ng malakas, sapat para marinig ko ang impit n'yang hinga na parang lumabas lahat ng hangin sa katawan n'ya. Hindi pa ako nakuntento, sinundan ko pa ng isang sampal. Hindi basta sampal, yung tipong may halong lahat ng inipon kong inis at galit. At ayun... bumagsak s'ya. I raised an eyebrow, tumingin sa iba pang nakapaligid. "Next?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko na parang walang nangyari. Then sumugod naman yung nakaputi. Barbie turned street fighter. Sinampal n'ya ako, at infairness, masakit. Enough para mapasubsob ako sa sahig pero ayos lang. I'm not a made of glass. Tumayo ako agad, chinannel ang inner kalmadong galit, at sinipa ko s'ya pabalik. Nahulog s'ya sa damuhan, so I took the chance, pumaibabaw ako at pinagsasampal s'ya gaya ng ginawa nila sa kaawa awang babae kanina. Nakikita ko na pulang-pula na ang mukha n'ya at parang nawalan na ito ng malay kaya tumigil na ako dahil hindi ko naman goal ang pumatay. Tumayo ako at lumingon sa dalawa pang natitirang babae. Yung natitira sa mean girl squad. Mukhang kabado na rin sila pero may pride pa rin sa katawan. "Game! Sino pa ang matapang sa inyo?" tanong ko. Angas mode on. Nagkatitigan muna silang dalawa, parang nagkaroon ng silent agreement. Then sabay nila akong sinugod, walang pakialam kung madapa sila o hindi. Isa sa kanila, sumubok sumipa. But honestly, hindi kalakasan. Parang practice kick lang sa PE class. Nadampian ako pero agad akong nakabawi sa balance na parang wala lang. Hindi naman ako madaling patumbahin. I straightened my stance, shoulders back, eyes locked on them. This time, hindi na ako naghihintay. Kung gusto nila ng sabay, then dalawa silang bibigay. "WEAK!!" pang-aasar ko. Nainis sila, halata sa gigil ng mga mata nila. This time, mas marahas ang atake. Sabay nilang hinablot ang buhok ko, desperadong pilitin akong pabagsakin. Ramdam ko ang kirot sa anit na parang gusto nilang bunutin lahat ng hibla pero hindi ako nagpatalo. Sa halip na sumuko, hinawakan ko ang mga braso nila nang mahigpit. Then, with one sharp move, binitiwan ko ang pinakamalakas kong sipa at dumiretso sa sikmura nilang dalawa. Narinig ko ang sabay nilang daing bago sila tumilapon paatras, napabitaw sa buhok ko nang tuluyan. Hindi pa ako tapos kaya agad akong sumugod para sipain pa sila ulit at nang magsawa na ako hinatak ko silang dalawa sa buhok, brutal at walang pakundangan sabay kinaladkad paatras. Hindi ko alintana ang reklamo nila at ang paggapang ng mga daliri nila sa braso ko. I dragged them straight to the girl they bullied earlier, parang aso lang na hinihila sa leeg. Itinulak ko sila pabagsak sa harap ng babae. Ramdam ko ang bigat ng bagsak nila sa lupa pero hindi ko inalis ang matalim kong titig. "Sampalin mo sila," utos ko, malamig at diretso, walang bahid ng biro. Tahimik ang paligid. Walang ingay maliban sa mga hingal at daing nila. At doon ko nakita, tnignan s'ya ng dalawa ng masama. Typical intimidation tactic, yung tipong ginagamit lang ng mga bully para iparamdam na kahit talo na sila, may kontrol pa rin sila. Natigilan si weak girl, halatang nanginginig. Kita ko sa mga mata n'ya yung takot, yung hesitation. Napailing lang ako, saka mas hinigpitan ang kapit ko sa buhok ng dalawang bully. Rinig ko ang pigil nilang hiyaw habang halos mapaiyak sila sa sakit. "Sasampalin mo sila o ikaw ang sasampalin ko?" straight to the point, walang paligoy ligoy. Minsan kailangan lang ng kaunting push para mailabas yung tinatagong demonyo ng mga ganitong inosente. Napakagat-labi si weak girl, nanginginig ang kamay. Pero this time, wala s'yang choice. Isa... dalawa... tatlo—pinaloob n'ya ang lahat ng hinanakit at sinampal n'ya ang dalawang bully. Hindi basta sampal, malulutong, sunod-sunod, at halatang may bigat ng lahat ng pang-aaping tiniis n'ya. Hanggang sa sabay bumagsak ang dalawa, tuluyan nang nawalan ng malay. Napangiti ako. Hindi dahil sa pananakit kundi dahil may nakita akong apoy sa isang taong dati ay puro takot lang. Dahan-dahan akong tumingin sa paligid. Dozens of eyes. Mga taong kanina pa nanonood. Nakaangat ang mga phone nila, recording everything like it's just another drama to consume. "Tumawag kayo ng guard," malamig kong utos sa ilang lalaki na nakatayo sa gilid. "Sabihin n'yo, ipadala ang mga 'yan sa pinakamalapit na ospital. MOVE!!" Nagkatinginan pa sila sandali, pero nang makita nila ang titig ko, mabilis silang kumilos. Samantala, yung iba? Naka-cellphone pa rin. Still recording like parasites. So I turned to them, one by one, at binigyan ko ng death glare. Hindi basta titig, kundi yung uri ng tingin na nagsasabing, "Maglaho ka sa harapan ko... or else." Bigla silang nagsitigil. Yung iba, napalunok bago tahimik na umalis. Yung iba naman, agad na ibinaba ang phone kunwari walang nakita. Huminga ako nang malalim. Lumapit ako sa lalaking may hawak ng headphone ko at babaeng nakatulala ngayon na parang hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. And just like that, I decided... "Tara. Let's take a little trip to the mansion." "M-Miss… t-thank you ha," utal pa ng babae sa tabi ko, parang anytime ay iiyak ulit s'ya. Napairap ako. I swear, hindi ko alam kung nakakainis ba s'ya o nakakaawa. Sa totoo lang naiirita talaga ako sa mga babaeng mahihina. Yung tipong nagpapaka-punching bag na lang, tahimik lang kahit ginugulpi na. Like, hello? May kamay ka naman, may paa, may boses. Gamitin mo! Paano kung hindi ko nakita yung eksenang 'yon sa park? Paano kung natapos na lang lahat na wala man lang tumulong sa kanya? Goodbye earth na lang s'ya? Eulogy vibes tapos headline bukas: isang babae, namatay sa pananahimik. Bago ko pa maituloy ang pagmumura sa isip, biglang may lumitaw sa harap namin. "Oh, apo?! Anong nangyari sa 'yo?! Bakit parang binagyo yung mukha mo? Nakipag-away ka na naman ba?!" bungad ni Grandpa, halos lumipad sa bilis ng hakbang n'ya. "Wag mo na akong tanungin, Grandpa," sagot ko, pagod na sa explanation. Ni hindi ko na inangat ang ulo ko para tingnan s'ya nang matagal. Napalingon s'ya sa dalawang kasama ko, halatang nagtataka. "Sino sila?" tanong n'ya, sabay taas ng kilay. "I don’t know." Sabay baling ko ng tingin sa ibang direksyon. Honest naman ako, right? Napakamot si Grandpa sa ulo, halatang confused. "Manang!" sigaw n'ya. "Pakikuha nga ng first aid kit sa itaas. Pakigamot na rin yung sugat ng kasama nitong apo ko, lalo na ang sugat ni... Bharbie." Narinig ko pa yung emphasis n'ya sa Bharbie, at kung hindi lang ako pagod, baka sinagot ko s'ya. Imbes, nag-walk out na lang ako saglit. Dumiretso ako sa kusina, binuksan ang ref, at kinuha ang malamig na tubig. Uminom ako diretso mula sa bote. Ramdam ko ang malamig na daloy pababa, parang instant calm after chaos. Pagbalik ko sa sala, nandon na si Manang Juday. Inaasikaso si weak girl, mukhang sinusubukan gawing tao ulit. Lumapit naman sa akin si Yaya Pauline, dala ang first aid kit. "Ako na po ang gagamot ng sugat n'yo," sabi n'ya, may bahid ng takot. Umupo ako sa sofa, hindi umimik. Tahimik lang habang ina-apply-an n'ya ng ointment ang gasgas sa braso ko. Malamang nakuha ko 'yon nang tinulak ako ng mga bruhang 'yon kanina. Pathetic move. They really thought that would stop me? Pagkatapos ng gamutan, lumapit sa akin yung dalawa. Tahimik, parang mga batang nagkamali at nahuli ng principal. Kita sa mukha nila na may gusto silang sabihin pero natatakot. "Name?" tanong ko diretso, walang pasakalye. Tahimik. Dead air. Tinaasan ko sila ng kilay, sharp, and that did the trick. "Chloe Anne Belasco," sagot ng babae, medyo pilit ang ngiti. "Kevin Santiago," dagdag ng lalaki sabay abot ng kamay, nagtatangkang magpakabait. Hindi ko tinanggap kaya binawi n'ya kaagad, halatang napahiya. "Kilala ko na kayo. So... makakauwi na kayo." Nagkatinginan sila, obvious na hindi pa tapos. "Pero pwede ka ba naming makilala?" tanong ni Chloe, naglalakas-loob pa. "Hindi." Tipid na sagot ko. Diretso, walang sugarcoat. "Umuwi na kayo bago pa kayo abutin ng dilim dito." Tumahimik ang buong sala. Even Grandpa, nakatingin lang sa'kin, parang nagpipigil ng ngiti sa tigas ng tono ko. Ayoko nang pahabain ang eksena kaya umakyat na ako sa taas. Pagpasok sa kwarto, diretsong upo ako sa harap ng salamin. Kinuha ko ang suklay at sinimulang ayusin ang magulong buhok. Habang binabasa ko ng tingin ang sarili ko, napansin ko ang faint na mga galos sa pisngi ko. Hindi halata kung hindi tititigan nang malapitan pero ramdam ko pa rin ang hapdi. Worth it naman kahit papano. At least this time, may point ung gulo na pinasok ko. Hanggang sa may kumatok sa pinto. Pagbukas, iniluwa nito si Kuya Steven. My ever-so-serious older brother. May dala s'yang something sa aura n'ya ngayon... and I don't like it. "Nabalitaan ko kay Grandpa..." panimula n'ya, seryoso ang tono. "...gusto mong mag-aral sa Journal Academy." Napakunot noo ako. Napalingon mula sa salamin, sabay bagsak ng suklay sa sahig. Ang ingay nito, parang sumabog sa loob ng kwarto. "Don't tell me... pati ikaw?" halos asik ko. "Pati ikaw, ayaw mo rin akong mag-aral dun?" Umirap s'ya, lumapit ng marahan, pero bawat hakbang n'ya parang dumagundong sa sahig. "Hindi mo pa naiintindihan ang lahat," sagot n'ya. "Hahanapan kita ng ibang school. Kahit alin, wag lang 'yon." dagdag pa nito. Mas lalo akong nainis. But beneath my anger, may unti-unting gumapang na kaba. "Ano bang meron sa Journal Academy?!" halos pasigaw ko nang tanong. "Bakit parang may tinatago kayo ni Lolo?!" Hindi s'ya agad sumagot. Tiningnan n'ya lang ako, dead serious expression. "Hindi mo pwedeng malaman," matigas n'yang sabi. "May mga bagay na... hindi mo pa dapat malaman." Nag-init ang ulo ko. "Kuya naman! Gusto ko lang ng bagong simula e! Promise, this time, magbabago na ako. No more fights, no more suspensions, no more drama. Kaya ko 'yon! At kung sakaling may mangyari man sa'kin, kayang kaya ko rin naman ipagtanggol ang sarili ko. Hindi n'yo na 'ko kailangang alalayan pa." Hindi s'ya kaagad sumagot. Pinagmasdan n'ya lang ako. Then, with one long sigh, bumigay s'ya. Kita ko yung bigat na bumagsak sa balikat n'ya, yung pagkatalo sa mga mata n'ya. "Okay, fine." mahina n'yang sabi. "Pero 'pag may nangyari sa 'yo, sabihin mo agad. At kapag kailangan, ililipat ka namin. No second chances." Lumabas na s'ya ng kwarto, dahan-dahan isinara ang pinto. Naiwan akong nakatayo roon, nanginginig hindi dahil sa galit kundi dahil sa biglang lamig na sumiksik sa paligid. Pag-upo ko ulit, tumitig ako sa salamin. Wala akong ginagawa pero may kakaiba akong naramdaman. Parang may mabigat na presensya sa likod ko. Napakagat labi ako. Pinilit kong ipikit ang mata pero sa loob-loob ko, ilang tanong pa ang umuukit. Ano bang meron sa Journal Academy? Bakit pakiramdam ko parang ayaw na ayaw nila ako makapasok sa lugar na 'yon? Anong tinatago nila? At bakit pakiramdam ko... ito ang simula ng kung anong mas malaki pa sa inaakala ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD