Bharbie's point of view. Tatlong araw na ang nakakalipas nang matapos ang GGW. Wala pa rin kaming balita kung ano ang panibagong ranking. Ang sabi ng dean, ipopost nalang daw sa bulletine board ang resulta. Nang matapos ang mga activity namin, ilang araw muna ang lumipas bago kami bumalik sa Journal Academy. "Akala ko may ibig sabihin ang paglike mo sa status ko sa f*******:~" kanta ni Kurt habang nakatingin sa akin. Dito niya naisip na tumambay sa dorm ko ngayon dahil wala pa raw kaming klase ngayon. Kinabukasan pa kase ang balik ng simple students kaya hanggang ngayon wala pa kaming klase. Naiinis na rin ako dahil kanina pa siya kumakanta. Ewan ko ba kung anong trip niya at tumambay rito "Tumigil ka nga sa pagkanta. Nakakaburyo!" inis kong sabi. "Ikaw at ako oh woah~ "sabi niya hab

