Bharbie's point of view. Nang makapasok kami sa loob ng bar, hinanap ko kaagad si Zach pero hindi ko siya nahagilap. Lumapit sa 'kin si Vince at may taong tinuro sakin sa taas kung saan nandoon ang Dj Booth. Nakita ko si Zach doon at siya pala ang disc jockey do'n. Nakatingin na rin ito sa pwesto namin at sinenyasan niya ako na umakyat. Sa lakas ng tugtog, nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Vince para marinig niya ang sasabihin ko. "Ikaw na muna bahala kay Abby. Pupuntahan ko lang si Zach," Tumango lang siya sa akin. "Of course!" sagot niya. Matapos ko magpaalam kay Abby, umakyat na ako kaagad. Amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa loob. Mukhang napansin ako ni Zach dahil binitawan nito ang suot niyang headphone. Habang kinakausap niya ang isang lalaki sa gilid na nagve-vape bin

