Bharbie's point of view. Napatayo ako nang 'di oras sa higaan nang marinig ko ang ringtone ko. Punyeta naman! Sino ba 'tong siraulong tao na tumatawag sakin ng madaling araw? Kinapa ko ang kama para hanapin ang phone hanggang sa nahawakan ko na kaya minulat ko ang isang mata ko para tignan kung sino ang nang iistorbo sa tulog ko. Calling Denise.... Ano bang problema niya at tatawag nalang bigla?!! Hindi ko nalang iyon pinansin at naisipan kong matulog nalang muli pero dahil sa makulit ang bruhang iyon. Ayon, paulit-ulit tumawag. No choice kundi sagutin ang tawag dahil bukod sa napakakulit niya hindi na ulit ako makatulog dahil sa babaeng iyon. Mukha rin naman importante ang sasabihin niya. Lumabas muna ako ng kwarto at pumuntang balcony para hindi marinig ang usapan namin ng ibang ka

